Isaias 41:13-14
Isaias 41:13-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ako si Yahweh na inyong Diyos, ang magpapalakas sa inyo. Ako ang nagsasabi, ‘Huwag kayong matakot at tutulungan ko kayo.’” Sinabi pa ni Yahweh, “Israel, mahina ka man at maliit, huwag kang matakot, sapagkat tutulungan kita. Ako ang iyong tagapagligtas, ang banal na Diyos ng Israel.
Isaias 41:13-14 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sapagkat ako ang PANGINOON na iyong Diyos. Ako ang nagpapalakas sa iyo at nagsasabing huwag kang matatakot dahil tutulungan kita. Kahit na maliit ka at mahina, huwag kang matatakot dahil ako mismo ang tutulong sa iyo,” sabi ng PANGINOON, ang iyong Tagapagligtas, ang Nag-iisang Banal ng Israel.
Isaias 41:13-14 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay hahawak ng iyong kanang kamay, na magsasabi sa iyo, Huwag kang matakot; aking tutulungan ka. Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng Israel; aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon, at ang iyong Manunubos ay ang Banal ng Israel.
Isaias 41:13-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ako si Yahweh na inyong Diyos, ang magpapalakas sa inyo. Ako ang nagsasabi, ‘Huwag kayong matakot at tutulungan ko kayo.’” Sinabi pa ni Yahweh, “Israel, mahina ka man at maliit, huwag kang matakot, sapagkat tutulungan kita. Ako ang iyong tagapagligtas, ang banal na Diyos ng Israel.
Isaias 41:13-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)