Isaias 40:11
Isaias 40:11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kaniyang papastulin ang kaniyang kawan, na gaya ng pastor, kaniyang pipisanin ang mga kordero sa kaniyang kamay, at dadalhin sila sa kaniyang sinapupunan, at papatnubayan na marahan yaong mga nagpapasuso.
Isaias 40:11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
At tulad ng pastol, pinapakain niya ang kanyang kawan; sa kanyang mga bisig, ang maliliit na tupa'y kanyang yayakapin. Sa kanyang kandungan ay pagyayamanin, at papatnubayan ang mga tupang may supling.
Isaias 40:11 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Aalagaan niya ang kanyang mga mamamayan gaya ng pastol na nag-aalaga ng kanyang kawan. Kinakarga niya ang maliliit na tupa at maingat niyang pinapatnubayan ang mga inahing tupa.
Isaias 40:11 Ang Biblia (TLAB)