Isaias 38:18-20
Isaias 38:18-20 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang patay ay hindi na makakapagpuri sa iyo, o makakaasa sa iyong katapatan. Mga buháy lamang ang makakapagpuri sa iyo, tulad ng ginagawa ko ngayon, at tulad din ng ama na itinuturo sa mga anak ang katapatan. Si Yahweh ang magliligtas sa akin, kaya sa saliw ng tugtog siya'y ating awitan. Sa banal na Templo ni Yahweh, tayo ay umawit habang nabubuhay.”
Isaias 38:18-20 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sapagkat papaano pa akong makakapagpuri sa inyo kung akoʼy patay na? Ang mga patay ay hindi makakapagpuri sa inyo o makakaasa man sa inyong katapatan. Ang mga buháy lamang ang makakapuri sa inyo katulad ng ginagawa ko ngayon. Ang bawat henerasyon ay magpapahayag sa susunod na henerasyon tungkol sa inyong katapatan. PANGINOON, iniligtas nʼyo po ako, kaya aawit kami sa saliw ng kuwerdas, sa inyong Templo habang kami ay nabubuhay.
Isaias 38:18-20 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't hindi ka maaring purihin ng Sheol, hindi ka maaring ipagdiwang ng kamatayan! Silang nagsisibaba sa hukay ay hindi makaaasa sa iyong katotohanan. Ang buhay, ang buhay, siya'y pupuri sa iyo, gaya ng ginagawa ko sa araw na ito: Ang ama sa mga anak ay magpapatalastas ng iyong katotohanan. Ang Panginoon ay handa upang iligtas ako: Kaya't aming aawitin ang aming mga awit sa mga panugtog na kawad, Lahat ng kaarawan ng aming buhay sa bahay ng Panginoon.
Isaias 38:18-20 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang patay ay hindi na makakapagpuri sa iyo, o makakaasa sa iyong katapatan. Mga buháy lamang ang makakapagpuri sa iyo, tulad ng ginagawa ko ngayon, at tulad din ng ama na itinuturo sa mga anak ang katapatan. Si Yahweh ang magliligtas sa akin, kaya sa saliw ng tugtog siya'y ating awitan. Sa banal na Templo ni Yahweh, tayo ay umawit habang nabubuhay.”
Isaias 38:18-20 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Sapagka't hindi ka maaring purihin ng Sheol, hindi ka maaring ipagdiwang ng kamatayan! Silang nagsisibaba sa hukay ay hindi makaaasa sa iyong katotohanan. Ang buháy, ang buháy, siya'y pupuri sa iyo, gaya ng ginagawa ko sa araw na ito: Ang ama sa mga anak ay magpapatalastas ng iyong katotohanan. Ang Panginoon ay handa upang iligtas ako: Kaya't aming aawitin ang aming mga awit sa mga panugtog na kawad, Lahat ng kaarawan ng aming buhay sa bahay ng Panginoon.