Isaias 34:1-17 - Compare All Versions
Isaias 34:1-17 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Lumapit kayo mga bansa, makinig kayo buong bayan! Halikayo at pakinggan ang aking sasabihin, kayong lahat na nasa ibabaw ng lupa. Sapagkat si Yahweh ay napopoot sa lahat ng bansa, matindi ang kanyang galit sa kanilang mga hukbo; sila'y hinatulan na at itinakdang lipulin. Ang kanilang mga bangkay ay ikakalat; ito'y mabubulok at aalingasaw sa baho, at ang mga bundok ay babaha sa dugo. Ang araw, buwan at mga bituin ay malalaglag at madudurog at ang kalangita'y irorolyong parang balumbon. Ang mga bituin ay malalaglag na parang mga tuyong dahon ng igos na nalalagas. Si Yahweh ay naghanda ng espada sa kalangitan upang gamitin laban sa Edom, sa bayang hinatulan niyang parusahan. Ang espada ni Yahweh ay puno ng dugo at taba; iyon ay dugo ng mga tupa at kambing, at taba ng lalaking tupa. Sapagkat siya'y maghahandog sa Bozra, marami siyang pupuksain sa Edom. Sila'y mabubuwal na parang maiilap na toro at barakong kalabaw, matitigmak ng dugo at mapupuno ng taba ang buong lupain. Sapagkat si Yahweh ay may nakatakdang araw ng paghihiganti, isang taon ng paghihiganti alang-alang sa Zion. Ang mga batis ng Edom ay magiging alkitran, at magiging asupre ang kanyang lupa, ang buong bansa ay masusunog na parang aspalto. Araw-gabi'y hindi ito mamamatay, at patuloy na papailanlang ang usok; habang panaho'y hindi ito mapapakinabangan, at wala nang daraan doon kahit kailan. Ang mananahan dito'y mga kuwago at mga uwak. Ang lupaing ito'y lubusang wawasakin ni Yahweh, at iiwang nakatiwangwang magpakailanman. Doo'y wala nang maghahari at mawawala na rin ang mga pinuno. Tutubuan ng damo ang mga palasyo at ang mga napapaderang bayan, ito ay titirhan ng mga asong-gubat at pamumugaran ng mga ostrits. Ang maiilap na hayop ay sasama sa mga asong-gubat, tatawagin ng mga tikbalang ang kapwa nila maligno; doon bababâ ang babaing halimaw upang magpahinga. Ang mga kuwago, doon magpupugad, mangingitlog, mamimisâ at magpapalaki ng kanilang inakay. Doon din maninirahan ang mga grupo ng buwitre. Sa aklat ni Yahweh ay hanapin ninyo at basahin: “Isa man sa kanila'y hindi mawawala, bawat isa'y mayroong kapareha.” Sapagkat ito'y utos ni Yahweh, at siya mismo ang kukupkop sa kanila. Siya na rin ang nagtakda ng kanilang titirhan, at nagbigay ng kani-kanilang lugar; doon na sila titira magpakailanman.
Isaias 34:1-17 ASD (Ang Salita ng Diyos)
Kayong mga bansa, lumapit kayo at makinig nang mabuti. Makinig ang buong mundo at ang lahat ng nasa kanya. Sapagkat galit ang PANGINOON sa lahat ng bansa; galit siya sa kanilang mga kawal. Ganap niyang lilipulin ang mga ito. Papatayin niya silang lahat. Hindi ililibing ang kanilang mga bangkay kaya aalingasaw ito, at ang mga bundok ay mamumula dahil sa kanilang dugo. Maglalaho ang lahat ng bituin sa kalangitan, at ang kalawakan ay bibilutin na parang kasulatan. Mahuhulog ang lahat ng bagay sa langit na parang nalalantang mga dahon ng ubas o nalalagas na bunga ng igos. Pagkatapos gamitin ng PANGINOON ang kanyang espada sa langit, tatama naman ito sa Edom upang parusahan at lipulin. Ang espada ng PANGINOON ay mapupuno ng dugo at taba, na parang ginamit sa pagkatay ng mga kambing at tupang ihahandog, sapagkat papatayin ng PANGINOON ang mga taga-Bosra bilang handog. Marami ang kanyang papatayin sa iba pang mga lungsod ng Edom. Papatayin din na parang mga toro ang kanilang mga makapangyarihang mamamayan. Ang kanilang lupain ay mapupuno ng dugo at taba. Sapagkat ang PANGINOON ay may itinakdang araw para maghiganti sa kanyang mga kaaway para tulungan ang Zion. Ang mga sapa at ang lupa sa Edom ay masisira. Ang buong bansa ay masusunog at hindi na mapapakinabangan. At hindi ito mapapatay araw at gabi. Ang usok nitoʼy papailanlang magpakailanman. Wala nang matitira o dadaan man lang sa Edom kahit kailan. Magiging tirahan ito ng mga kuwago at mga uwak. Nasa plano na ng PANGINOON na iparanas sa lupaing ito ang kaguluhan at kapahamakan. At tatawagin itong, “Walang Kuwentang Kaharian.” Mawawala ang lahat ng pinuno nito. Tutubo ang matitinik na mga halaman sa mga tanggulang lungsod at matitibay na bahagi nito. Maninirahan doon ang mga kuwago at mga asong-gubat. Magsasama-sama roon ang mga asong-gubat kasama ng iba pang hayop sa gubat. Tatawagin ng mga maiilap na kambing ang mga kasamahan nila roon. At ang mga malignong lumalabas kapag gabi ay pupunta roon para magpahinga. Ang mga kuwago ay magpupugad doon, mangingitlog, mamimisa, at iingatan nila ang kanilang mga inakay sa ilalim ng kanilang mga pakpak. Ang mga uwak ay pares-pares na magtitipon roon. Tingnan ninyo ang aklat ng PANGINOON at basahin. Wala ni isa man sa mga sinabi ko ang hindi matutupad. Walang mawawala ni isa man sa mga hayop na iyon, at wala ni isa man sa mga ito ang walang kapares, sapagkat iyan ang ipinasya ng PANGINOON, at siya mismo ang magtitipon sa kanila. Siya ang magbibigay sa mga hayop ng lupa na kanilang titirhan. Mapapasakanila ito magpakailanman, at doon sila titira magpakailanman.
Isaias 34:1-17 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Lumapit kayo mga bansa, makinig kayo buong bayan! Halikayo at pakinggan ang aking sasabihin, kayong lahat na nasa ibabaw ng lupa. Sapagkat si Yahweh ay napopoot sa lahat ng bansa, matindi ang kanyang galit sa kanilang mga hukbo; sila'y hinatulan na at itinakdang lipulin. Ang kanilang mga bangkay ay ikakalat; ito'y mabubulok at aalingasaw sa baho, at ang mga bundok ay babaha sa dugo. Ang araw, buwan at mga bituin ay malalaglag at madudurog at ang kalangita'y irorolyong parang balumbon. Ang mga bituin ay malalaglag na parang mga tuyong dahon ng igos na nalalagas. Si Yahweh ay naghanda ng espada sa kalangitan upang gamitin laban sa Edom, sa bayang hinatulan niyang parusahan. Ang espada ni Yahweh ay puno ng dugo at taba; iyon ay dugo ng mga tupa at kambing, at taba ng lalaking tupa. Sapagkat siya'y maghahandog sa Bozra, marami siyang pupuksain sa Edom. Sila'y mabubuwal na parang maiilap na toro at barakong kalabaw, matitigmak ng dugo at mapupuno ng taba ang buong lupain. Sapagkat si Yahweh ay may nakatakdang araw ng paghihiganti, isang taon ng paghihiganti alang-alang sa Zion. Ang mga batis ng Edom ay magiging alkitran, at magiging asupre ang kanyang lupa, ang buong bansa ay masusunog na parang aspalto. Araw-gabi'y hindi ito mamamatay, at patuloy na papailanlang ang usok; habang panaho'y hindi ito mapapakinabangan, at wala nang daraan doon kahit kailan. Ang mananahan dito'y mga kuwago at mga uwak. Ang lupaing ito'y lubusang wawasakin ni Yahweh, at iiwang nakatiwangwang magpakailanman. Doo'y wala nang maghahari at mawawala na rin ang mga pinuno. Tutubuan ng damo ang mga palasyo at ang mga napapaderang bayan, ito ay titirhan ng mga asong-gubat at pamumugaran ng mga ostrits. Ang maiilap na hayop ay sasama sa mga asong-gubat, tatawagin ng mga tikbalang ang kapwa nila maligno; doon bababâ ang babaing halimaw upang magpahinga. Ang mga kuwago, doon magpupugad, mangingitlog, mamimisâ at magpapalaki ng kanilang inakay. Doon din maninirahan ang mga grupo ng buwitre. Sa aklat ni Yahweh ay hanapin ninyo at basahin: “Isa man sa kanila'y hindi mawawala, bawat isa'y mayroong kapareha.” Sapagkat ito'y utos ni Yahweh, at siya mismo ang kukupkop sa kanila. Siya na rin ang nagtakda ng kanilang titirhan, at nagbigay ng kani-kanilang lugar; doon na sila titira magpakailanman.
Isaias 34:1-17 TLAB (Ang Biblia)
Kayo'y magsilapit, kayong mga bansa, upang mangakinig; at dinggin ninyo, ninyong mga bayan: dinggin ng lupa at ng buong narito; ng sanglibutan, at ng lahat na bagay na nagsisilitaw rito. Sapagka't ang Panginoon ay may galit laban sa lahat na bansa, at pusok ng loob laban sa lahat nilang hukbo: kaniyang lubos na nilipol sila, kaniyang ibinigay sila sa patayan. Ang kanilang patay naman ay matatapon, at ang baho ng kanilang mga bangkay ay aalingasaw, at ang mga bundok ay tutunawin ng kanilang dugo. At ang lahat na natatanaw sa langit ay malilipol, at ang langit ay mababalumbong parang isang ikid: at ang buo nilang hukbo ay mawawala na parang dahong nalalanta sa puno ng ubas, at gaya ng lantang dahon ng puno ng igos. Sapagka't ang aking tabak ay nalango sa langit: narito, yao'y bababa sa Edom, at sa bayan ng aking sumpa, sa kahatulan. Ang tabak ng Panginoon ay napuno ng dugo, tumaba ng katabaan, sa dugo ng mga kordero at ng mga kambing, sa taba ng mga bato ng mga lalaking tupa: sapagka't may hain sa Panginoon sa Bosra, at may malaking patayan sa lupain ng Edom. At ang mga mailap na baka ay magsisibabang kasama nila at ang mga baka na kasama ng mga toro, at ang kanilang lupain ay malalango ng dugo, at ang kanilang alabok ay tataba ng katabaan. Sapagka't kaarawan ng panghihiganti ng Panginoon, na taon ng kagantihan sa pagaaway sa Sion. At ang mga batis niya ay magiging sahing, at ang alabok niya ay azufre, at ang lupain niya ay magiging nagniningas na sahing. Hindi mapapatay sa gabi o sa araw man; ang usok niyaon ay iilanglang magpakailan man: sa buong panahon ay malalagay na sira; walang daraan doon magpakailankailan man. Kundi aariin ng ibong pelikano at ng hayop na erizo; at ang kuwago at ang uwak ay magsisitahan doon: at kaniyang iuunat doon ang panukat na pising panglito, at ang pabatong pangpawala ng tao. Kanilang tatawagin ang mga mahal na tao niyaon sa kaharian, nguni't mawawalan doon; at lahat niyang mga pangulo ay magiging parang wala. At mga tinikan ay tutubo sa kaniyang mga palacio, mga kilitis at mga lipay ay sa mga kuta niyaon: at magiging tahanan ng mga chakal, looban ng mga avestruz. At ang mga mailap na hayop sa ilang ay makikipagsalubong doon sa mga lobo, at ang lalaking kambing ay hihiyaw sa kaniyang kasama; oo, ang malaking kuwago ay tatahan doon, at makakasumpong siya ng dakong pahingahan. Doon maglulungga ang maliksing ahas, at mangingitlog, at mangapipisa, at aampunin sa ilalim ng kaniyang lilim; oo, doon magpipisan ang mga lawin, bawa't isa'y kasama ng kaniyang kasamahan. Inyong saliksikin sa aklat ng Panginoon, at inyong basahin: kahit isa sa mga ito ay hindi magkukulang, walang mangangailangan ng kaniyang kasama; sapagka't iniutos ng aking bibig, at pinisan sila ng kaniyang Espiritu. At kaniyang pinagsapalaran, at binahagi ng kaniyang kamay sa kanila sa pamamagitan ng pising panukat: kanilang aariin magpakailan man, sa sali't saling lahi ay tatahan sila roon.
Isaias 34:1-17 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))