Isaias 31:1-9
Isaias 31:1-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kahabag-habag kayong umaasa sa tulong ng Egipto at nagtitiwala sa bilis ng kanilang mga kabayo, nananalig sa dami ng kanilang mga karwahe, at sa matatapang nilang mangangabayo, sa halip na sumangguni at umasa kay Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel. Alam ni Yahweh ang kanyang ginagawa, nagpapadala siya ng salot. At gagawin niya ang kanyang sinabi. Paparusahan niya ang gumagawa ng masama at ang mga tumutulong sa kanila. Hindi Diyos ang mga Egipcio; sila'y mga tao rin, karaniwang hayop din ang kanilang mga kabayo at hindi espiritu. Pagkilos ni Yahweh, babagsak ang malakas na bansa, pati ang mga tinulungan nito. Sila'y pare-parehong mawawasak. Ito ang sinabi sa akin ni Yahweh: “Walang makakapigil sa akin sa pagtatanggol sa Bundok ng Zion, kung paanong ang leon ay hindi mapipigil sa paglapa nito sa kanyang biktima, kahit pa magsisigaw ang mga pastol. Kaya't sa pagdating ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay walang makakapigil, upang ipagtanggol ang Zion at ang mga burol nito. Tulad ng pag-aalaga ng ibon sa kanyang inakay, gayon iingatan ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang Jerusalem. Ipagtatanggol niya ito at ililigtas; hindi niya ito pababayaan.” Sinabi ng Diyos, “Bayang Israel, magbalik-loob ka sa akin, labis-labis na ang ginawa mong paghihimagsik. Pagdating ng araw na iyon, itatapon ng bawat isa ang kanyang mga diyus-diyosang pilak at ginto na sila-sila rin ang gumawa. “Ang mga taga-Asiria'y malulupig sa digmaan, ngunit hindi tao ang wawasak sa kanila; sila'y magtatangkang tumakas, ngunit aalipinin ang kanilang mga kabataan. Sa tindi ng takot, tatakas ang kanyang pinakapinuno, at iiwan ng mga opisyal ang kanilang bandila.” Ito ang sabi ni Yahweh, ang Diyos na sinasamba at hinahandugan sa Jerusalem.
Isaias 31:1-9 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kahabag-habag kayong humihingi ng tulong sa Ehipto. Umaasa kayo sa mabibilis nilang kabayo, sa marami nilang karwahe, at malalakas na sundalong nangangabayo. Ngunit hindi kayo nagtitiwala sa PANGINOON, ang Banal na Diyos ng Israel, at hindi kayo humihingi ng tulong sa kanya. Sa karunungan ng Diyos, magpapadala siya ng salot, at talagang gagawin niya ang kanyang sinabi. Paparusahan niya ang pamilya ng masasama at ang mga tumutulong sa kanila. Ang mga taga-Ehipto ay mga tao lang din at hindi Diyos. Ang mga kabayo nilaʼy hindi naman mga espiritu, kundi tulad lang din ng ibang mga kabayo. Kapag nagparusa na ang PANGINOON, mawawasak ang Ehipto pati ang mga bansa na tinulungan nito. Pare-pareho silang mawawasak. Ito ang sinabi sa akin ng PANGINOON, “Walang makakapigil sa leon sa paglapa niya sa kanyang biktima kahit na magsisigaw pa ang mga nagbabantay ng mga hayop. Katulad ko rin, walang makakapigil sa akin para ingatan ang Bundok ng Zion. Ako ang PANGINOON ng mga Hukbo, babantayan ko ang Jerusalem na parang ibong nagbabantay sa kanyang pugad. Iingatan ko ito, ililigtas, at hindi pababayaan.” Mga Israelita, magbalik-loob kayo sa PANGINOON na labis na ninyong sinuway. Sapagkat darating ang araw na itatakwil ninyo ang inyong mga diyos-diyosang pilak at ginto na kayo mismo ang gumawa dahil sa inyong pagiging makasalanan. Mamamatay ang mga taga-Asiria, ngunit hindi sa pamamagitan ng espada ng tao. Tatakas sila mula sa digmaan, at magiging alipin ang kanilang mga kabataan. Tatakas ang kanilang mga kawal dahil sa takot, pati ang kanilang mga pinuno ay hindi na malaman ang gagawin kapag nakita nila ang bandila ng kanilang mga kaaway. Iyan ang sinabi ng PANGINOON, na ang kanyang apoy ay nagniningas sa Zion, ang lungsod ng Jerusalem.
Isaias 31:1-9 Ang Biblia (TLAB)
Sa aba nila na nagsisilusong sa Egipto na humihinging tulong, at nagsisiasa sa mga kabayo; at nagsisitiwala sa mga karo, sapagka't marami, at sa mga mangangabayo, sapagka't mga totoong napakalakas; nguni't hindi sila nagsisitiwala sa Banal ng Israel, o hinahanap man ang Panginoon! Gayon ma'y siya'y pantas, at magdadala ng kasamaan, at hindi iuurong ang kaniyang mga salita, kundi babangon laban sa bahay ng mga manggagawa ng kasamaan, at laban sa tulong nila na nagsisigawa ng kasamaan. Ang mga Egipcio nga ay mga tao, at hindi Dios; at ang kanilang mga kabayo ay laman, at hindi diwa: at pagka iuunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, siyang tumutulong ay matitisod, at gayon din siyang tinutulungan ay mabubuwal, at silang lahat ay mangalilipol na magkakasama. Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Kung paano na ang leon at ang batang leon ay umuungal sa kaniyang huli, pagka ang karamihan ng mga pastor ay nagpipisan laban sa kaniya, na hindi siya matatakot sa kanilang tinig, o maduduwag man dahil sa ingay nila: gayon bababa ang Panginoon ng mga hukbo sa bundok ng Sion, at sa burol niyaon upang makipaglaban. Gaya ng mga ibong nagsisilipad gayon aampunin ng Panginoon ng mga hukbo ang Jerusalem; yao'y kaniyang aampunin at ililigtas, siya'y daraan at iingatan niya, Kayo'y manumbalik sa kaniya na inyong pinanghimagsikan lubha, Oh mga anak ni Israel. Sapagka't sa araw na yaon ay itatapon ng bawa't tao ang kaniyang mga diosdiosang pilak, at ang kaniyang mga diosdiosang ginto, na ginawa ng inyong sariling mga kamay, sa ganang inyo ay naging kasalanan, Kung magkagayo'y mabubuwal ang taga Asiria sa pamamagitan ng tabak, na hindi sa tao: at ang tabak, na hindi sa mga tao, lalamon sa kaniya: at kaniyang tatakasan ang tabak, at ang kaniyang mga binata ay magiging mamumuwis. At ang kaniyang malaking bato ay lalagpasan, dahil sa kakilabutan, at ang kaniyang mga pangulo ay masisindak sa watawat, sabi ng Panginoon, na ang kaniyang apoy ay nasa Sion, at ang kaniyang hurno ay nasa Jerusalem.
Isaias 31:1-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kahabag-habag kayong umaasa sa tulong ng Egipto at nagtitiwala sa bilis ng kanilang mga kabayo, nananalig sa dami ng kanilang mga karwahe, at sa matatapang nilang mangangabayo, sa halip na sumangguni at umasa kay Yahweh, ang Banal na Diyos ng Israel. Alam ni Yahweh ang kanyang ginagawa, nagpapadala siya ng salot. At gagawin niya ang kanyang sinabi. Paparusahan niya ang gumagawa ng masama at ang mga tumutulong sa kanila. Hindi Diyos ang mga Egipcio; sila'y mga tao rin, karaniwang hayop din ang kanilang mga kabayo at hindi espiritu. Pagkilos ni Yahweh, babagsak ang malakas na bansa, pati ang mga tinulungan nito. Sila'y pare-parehong mawawasak. Ito ang sinabi sa akin ni Yahweh: “Walang makakapigil sa akin sa pagtatanggol sa Bundok ng Zion, kung paanong ang leon ay hindi mapipigil sa paglapa nito sa kanyang biktima, kahit pa magsisigaw ang mga pastol. Kaya't sa pagdating ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay walang makakapigil, upang ipagtanggol ang Zion at ang mga burol nito. Tulad ng pag-aalaga ng ibon sa kanyang inakay, gayon iingatan ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang Jerusalem. Ipagtatanggol niya ito at ililigtas; hindi niya ito pababayaan.” Sinabi ng Diyos, “Bayang Israel, magbalik-loob ka sa akin, labis-labis na ang ginawa mong paghihimagsik. Pagdating ng araw na iyon, itatapon ng bawat isa ang kanyang mga diyus-diyosang pilak at ginto na sila-sila rin ang gumawa. “Ang mga taga-Asiria'y malulupig sa digmaan, ngunit hindi tao ang wawasak sa kanila; sila'y magtatangkang tumakas, ngunit aalipinin ang kanilang mga kabataan. Sa tindi ng takot, tatakas ang kanyang pinakapinuno, at iiwan ng mga opisyal ang kanilang bandila.” Ito ang sabi ni Yahweh, ang Diyos na sinasamba at hinahandugan sa Jerusalem.
Isaias 31:1-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)