Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 2:1-15

Isaias 2:1-15 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Ito ang pangitain ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at sa Jerusalem: Sa mga darating na araw, ang bundok na kinatatayuan ng Templo ni Yahweh ang magiging pinakamataas sa lahat ng bundok, at mamumukod sa lahat ng burol, daragsa sa kanya ang lahat ng bansa. Maraming tao ang darating at sasabihin ang ganito: “Umakyat tayo sa bundok ni Yahweh, sa Templo ng Diyos ni Jacob, upang maituro niya sa atin ang kanyang mga daan; at matuto tayong lumakad sa kanyang mga landas. Sapagkat sa Zion magmumula ang kautusan, at sa Jerusalem, ang salita ni Yahweh.” Siya ang mamamagitan sa mga bansa at magpapairal ng katarungan sa lahat ng mga tao; kaya't gagawin na nilang araro ang kanilang mga tabak, at karit naman ang kanilang mga sibat. Mga bansa'y di na mag-aaway at sa pakikidigma'y di na magsasanay. Halina kayo, sambahayan ni Jacob, lumakad tayo sa liwanag ni Yahweh. Itinakwil mo ang lahi ni Jacob na iyong bayan, sapagkat ang lupain ay punô ng mga salamangkero mula sa silangan at ng mga manghuhula gaya ng mga Filisteo; nakikibagay sila sa kaugalian ng mga dayuhan. Sagana ang kanilang lupain sa ginto at pilak, at walang pagkaubos ang kanilang kayamanan. Sa buong lupai'y maraming kabayo, at hindi mabilang ang kanilang mga karwahe. Punô ng diyus-diyosan ang kanilang bayan; mga rebultong gawa lamang, kanilang niyuyukuran, mga bagay na inanyuan at nililok lamang. Kaya ang mga tao ay hahamakin at mapapahiya; huwag mo silang patatawarin! Magtatago sila sa mga yungib na bato at sa mga hukay upang makaiwas sa poot ni Yahweh, at sa kaluwalhatian ng kanyang karangalan. Pagdating ng araw ni Yahweh, ang mga palalo ay kanyang wawakasan, itong mga mayayabang, kanya ring paparusahan; pagkat si Yahweh lamang ang bibigyang kadakilaan. Sapagkat si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay may itinakdang araw, laban sa lahat ng palalo at mayabang, laban sa lahat ng mapagmataas; laban sa lahat ng nagtataasang sedar ng Lebanon, at laban sa lahat ng malalaking punongkahoy sa Bashan; laban sa lahat ng matataas na bundok at mga burol; laban sa lahat ng matataas na tore at matitibay na pader

Isaias 2:1-15 Ang Salita ng Diyos (ASD)

Ito ang pangitaing nakita ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at Jerusalem: Sa mga huling araw, ang bundok na kinatatayuan ng templo ng PANGINOON ay magiging pinakamataas sa lahat ng mga bundok. Ito rin ay magiging pinakamahalaga sa lahat ng bundok. Dadagsa rito ang mga tao mula sa ibaʼt ibang bansa. Sasabihin nila, “Tayo na sa bundok ng PANGINOON, sa Templo ng Diyos ni Jacob. Ituturo niya sa atin ang kanyang pamamaraan upang lumakad tayo sa kanyang mga daan.” Manggagaling sa Zion ang kautusan PANGINOON, ang kanyang salita ay lalaganap mula sa Jerusalem. Pagkakasunduin ng PANGINOON ang maraming bansa. Kaya hindi na magdidigmaan ang mga bansa. Hindi na rin sila magsasanay ng mga sundalo para sa digmaan. Gagawin na lang nilang talim ng araro ang kanilang mga espada, at karit na pantabas ang kanilang mga sibat. Halikayo, mga lahi ni Jacob, mamuhay tayo sa katotohanan, na ibinigay sa atin ng PANGINOON. PANGINOON Totoong itinakwil nʼyo, PANGINOON, ang mga mamamayan ninyo, ang lahi ni Jacob, dahil naniniwala kayo sa mga pamahiing mula sa silangan at sa mga manghuhula, gaya ng mga Filisteo. Sinusunod ninyo ang pag-uugali ng mga dayuhan. Ang kanilang lupain ay napakasagana sa pilak at ginto, at hindi nauubos ang kanilang kayamanan. Napakaraming kabayo sa kanilang lupain, at hindi mabilang ang mga karwahe nila. Marami silang diyos-diyosan, at sinasamba nila ang mga bagay na ito na sila mismo ang gumawa. Kaya ang bawat isa sa kanilaʼy ibabagsak, lahat silaʼy mapapahiya. Huwag nʼyo silang patatawarin. Tumakas kayo papunta sa mga kuweba at mga hukay upang magtago sa galit ng PANGINOON at sa kanyang kapangyarihan. At ang mga mayayabang ay mapapahiya, ang mga mapagmataas na taoʼy ibababa. Ang itataas sa araw na iyon ay tanging ang PANGINOON lamang. Sapagkat itinakda ng PANGINOON ng mga Hukbo ang araw kung kailan niya ibabagsak ang mga mayayabang at mapagmataas, at ang mga nag-aakalang silaʼy makapangyarihan. Puputulin niya ang lahat ng matataas na puno ng sedro sa Lebanon at ang lahat ng puno ng ensina sa Bashan. Papantayin niya ang lahat ng matataas na bundok at burol, at wawasakin ang lahat ng matataas na tore at pader.

Isaias 2:1-15 Ang Biblia (TLAB)

Ang salita na naalaman ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at Jerusalem. At mangyayari sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon. At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, Halina kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, sa bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka't mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem. At siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao: at kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod, at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit: ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, o mangagaaral pa man sila ng pakikipagdigma. Oh sangbahayan ni Jacob, halikayo, at tayo'y magsilakad sa liwanag ng Panginoon. Sapagka't iyong binayaan ang iyong bayan na sangbahayan ni Jacob, sapagka't sila'y puspos ng mga kaugaliang mula sa silanganan, at mga enkantador gaya ng mga Filisteo, at sila'y nangakikipagkamay sa mga anak ng mga taga ibang lupa. Ang kanilang lupain naman ay puno ng pilak at ginto, ni walang wakas ang kanilang mga kayamanan; ang kanila namang lupain ay puno ng mga kabayo, ni walang katapusang bilang ang kanilang mga karo. Ang kanila namang lupain ay puno ng mga diosdiosan; kanilang sinasamba ang gawa ng kanilang sariling mga kamay, na ginawa ng kanilang sariling mga daliri. At ang taong hamak ay yumuyuko, at ang mataas na tao ay nabababa: kaya't huwag mong patawarin sila. Pumasok ka sa malaking bato, at magkubli ka sa alabok, sa kakilabutan sa Panginoon, at sa kaluwalhatian ng kaniyang kamahalan. Ang mga tinging mapagmataas ng tao ay mabababa, at ang mga pagmamataas ng mga tao ay mahuhutok, at ang Panginoon magisa ay mabubunyi sa kaarawang yaon. Sapagka't magkakaroon ng isang kaarawan ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat na palalo at mapagmataas, at sa lahat na nagmamataas; at yao'y mabababa: At sa lahat ng cedro ng Libano, na matayog at mataas, at sa lahat ng encina ng Basan; At sa lahat ng matataas na bundok, at sa lahat ng mga burol na nangataas; At sa bawa't matayog na moog, at sa bawa't kutang nababakod

Isaias 2:1-15 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Ito ang pangitain ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at sa Jerusalem: Sa mga darating na araw, ang bundok na kinatatayuan ng Templo ni Yahweh ang magiging pinakamataas sa lahat ng bundok, at mamumukod sa lahat ng burol, daragsa sa kanya ang lahat ng bansa. Maraming tao ang darating at sasabihin ang ganito: “Umakyat tayo sa bundok ni Yahweh, sa Templo ng Diyos ni Jacob, upang maituro niya sa atin ang kanyang mga daan; at matuto tayong lumakad sa kanyang mga landas. Sapagkat sa Zion magmumula ang kautusan, at sa Jerusalem, ang salita ni Yahweh.” Siya ang mamamagitan sa mga bansa at magpapairal ng katarungan sa lahat ng mga tao; kaya't gagawin na nilang araro ang kanilang mga tabak, at karit naman ang kanilang mga sibat. Mga bansa'y di na mag-aaway at sa pakikidigma'y di na magsasanay. Halina kayo, sambahayan ni Jacob, lumakad tayo sa liwanag ni Yahweh. Itinakwil mo ang lahi ni Jacob na iyong bayan, sapagkat ang lupain ay punô ng mga salamangkero mula sa silangan at ng mga manghuhula gaya ng mga Filisteo; nakikibagay sila sa kaugalian ng mga dayuhan. Sagana ang kanilang lupain sa ginto at pilak, at walang pagkaubos ang kanilang kayamanan. Sa buong lupai'y maraming kabayo, at hindi mabilang ang kanilang mga karwahe. Punô ng diyus-diyosan ang kanilang bayan; mga rebultong gawa lamang, kanilang niyuyukuran, mga bagay na inanyuan at nililok lamang. Kaya ang mga tao ay hahamakin at mapapahiya; huwag mo silang patatawarin! Magtatago sila sa mga yungib na bato at sa mga hukay upang makaiwas sa poot ni Yahweh, at sa kaluwalhatian ng kanyang karangalan. Pagdating ng araw ni Yahweh, ang mga palalo ay kanyang wawakasan, itong mga mayayabang, kanya ring paparusahan; pagkat si Yahweh lamang ang bibigyang kadakilaan. Sapagkat si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay may itinakdang araw, laban sa lahat ng palalo at mayabang, laban sa lahat ng mapagmataas; laban sa lahat ng nagtataasang sedar ng Lebanon, at laban sa lahat ng malalaking punongkahoy sa Bashan; laban sa lahat ng matataas na bundok at mga burol; laban sa lahat ng matataas na tore at matitibay na pader

Isaias 2:1-15 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)