Isaias 19:20-21
Isaias 19:20-21 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Iyan ang magiging palatandaan na si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay naroon at sila'y bibigyan niya ng tagapagtanggol kapag sila'y humingi ng tulong sa panahon ng pag-uusig. Magpapakilala si Yahweh sa mga Egipcio at siya nama'y kanilang kikilanlin, sasambahin at aalayan ng handog na susunugin. Gagawa sila ng mga sinumpaang pangako kay Yahweh at ang mga iyon ay kanilang tutuparin.
Isaias 19:20-21 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Magiging tanda ito at patunay na naroon ang PANGINOON ng mga Hukbo sa lupain ng Ehipto. Kung ang mga taga-Ehipto ay hihingi ng tulong sa PANGINOON sa dahilang pinapahirapan sila ng mga umaapi sa kanila, padadalhan niya sila ng tagapagligtas at tagapagtanggol, at siya ang magliligtas sa kanila. Ipapakilala ng PANGINOON ang kanyang sarili sa kanila, at sa araw na iyon ay kikilalanin nila ang PANGINOON. Sasambahin nila siya sa pamamagitan ng sari-saring mga handog. Mamamanata sila sa PANGINOON, at tutuparin nila iyon.
Isaias 19:20-21 Ang Biblia (TLAB)
At magiging pinakatanda at pinakasaksi sa Panginoon ng mga hukbo sa lupain ng Egipto: sapagka't sila'y magsisidaing sa Panginoon dahil sa mga mamimighati, at magsusugo siya sa kanila ng isang tagapagligtas, at isang tagapagsanggalang, at kaniyang ililigtas sila. At ang Panginoon ay makikilala sa Egipto, at makikilala ng mga Egipcio ang Panginoon sa araw na yaon; oo, sila'y magsisisamba na may hain at alay, at magsisipanata ng panata sa Panginoon, at tutuparin.
Isaias 19:20-21 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Iyan ang magiging palatandaan na si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ay naroon at sila'y bibigyan niya ng tagapagtanggol kapag sila'y humingi ng tulong sa panahon ng pag-uusig. Magpapakilala si Yahweh sa mga Egipcio at siya nama'y kanilang kikilanlin, sasambahin at aalayan ng handog na susunugin. Gagawa sila ng mga sinumpaang pangako kay Yahweh at ang mga iyon ay kanilang tutuparin.
Isaias 19:20-21 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)