Isaias 18:7
Isaias 18:7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa panahong iyon, dadalhin kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang mga handog na galing sa lupaing ito, sa lupaing hinahati ng mga ilog. Magpapadala ng kanilang handog ang malakas na bansa, ang mga taong matatangkad at makikinis ang balat, na kinatatakutan sa buong daigdig. Pupunta sila sa Bundok ng Zion, sa lugar na nakalaan sa pagsamba kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.
Isaias 18:7 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ngunit darating ang araw na tatanggap ang PANGINOON ng mga Hukbo ng mga handog mula sa lupaing dinadaanan ng mga ilog. Ang mga mamamayan nitoʼy matatangkad, makikinis ang balat, makapangyarihan, at kinatatakutan kahit saan. Dadalhin nila ang kanilang mga regalo sa Bundok ng Zion, kung saan sinasamba ang PANGINOON ng mga Hukbo.
Isaias 18:7 Ang Biblia (TLAB)
Sa panahong yao'y dadalhin ang isang kaloob sa Panginoon ng mga hukbo ng mga taong matataas at makikisig, at mula sa bayang kakilakilabot na mula sa kanilang pasimula hanggang sa haharapin; isang bansa na sumusukat at yumayapak, na ang lupain ay hinahati ng mga ilog, sa dako ng pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, na bundok ng Sion.
Isaias 18:7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa panahong iyon, dadalhin kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang mga handog na galing sa lupaing ito, sa lupaing hinahati ng mga ilog. Magpapadala ng kanilang handog ang malakas na bansa, ang mga taong matatangkad at makikinis ang balat, na kinatatakutan sa buong daigdig. Pupunta sila sa Bundok ng Zion, sa lugar na nakalaan sa pagsamba kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.
Isaias 18:7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)