Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 18:1-7

Isaias 18:1-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Pumapagaspas ang pakpak ng mga kulisap sa isang lupain sa ibayo ng mga ilog ng Etiopia, mula roo'y may dumating na mga sugo sakay ng mga bangkang yari sa tambo, at sumusunod sa agos ng Ilog Nilo. Bumalik na kayo, mabibilis na tagapagbalita, sa inyong lupain na hinahati ng mga ilog, sa inyong bayan na ang tao'y matatangkad at makikinis ang balat, bayang kinagugulatan ng lahat, makapangyarihan at mapanakop. Makinig kayong lahat na mga naninirahan sa daigdig! Abangan ninyo ang pagtataas ng watawat sa ibabaw ng bundok, hintayin ninyo ang tunog ng trumpeta! Sapagkat ganito ang sabi sa akin ni Yahweh: “Buhat sa aking kinaroroonan, tahimik akong nagmamasid, parang sinag ng araw kung maaliwalas ang langit, parang ulap na may dalang hamog sa tag-araw. Sapagkat bago dumating ang anihan kapag tapos na ang pamumulaklak at kapag nahinog na ang mga ubas, ang mga sanga ay puputulin ng matatalas na karit saka itatapon. Ibibigay sila sa ibong mandaragit at sa mababangis na hayop. Kakainin sila ng mga ibon sa tag-araw at ng mga hayop sa taglamig.” Sa panahong iyon, dadalhin kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang mga handog na galing sa lupaing ito, sa lupaing hinahati ng mga ilog. Magpapadala ng kanilang handog ang malakas na bansa, ang mga taong matatangkad at makikinis ang balat, na kinatatakutan sa buong daigdig. Pupunta sila sa Bundok ng Zion, sa lugar na nakalaan sa pagsamba kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.

Isaias 18:1-7 Ang Salita ng Diyos (ASD)

Nakakaawa ang mga lugar malapit sa mga ilog ng Etiopia, na may mga pagaspas ng pakpak ng mga kulisap na naririnig. Mula sa lugar na ito ay may mga sugong nakasakay sa mga bangkang yari sa tambo at dumadaan sa Ilog Nilo. Humayo kayo, mabibilis na sugo, Dalhin ninyo ang mensahe sa mga mamamayang matatangkad at makikinis ang balat, sa mga taong kinatatakutan kahit saan, dahil sa kanilang pananakop at paninira, at nakatira sa lupaing dinadaanan ng mga ilog. Kayong lahat ng naninirahan sa mundo, at naninirahan sa lupa, abangan ninyo ang pagtaas ng bandila sa ibabaw ng bundok, at pakinggan ninyo ang tunog ng trumpeta. Sapagkat ito ang sinabi sa akin ng PANGINOON, “Mula sa aking luklukan, panatag akong nagmamasid na parang nagniningning na araw sa tanghaling tapat, at parang namumuong ambon sa maalinsangang gabi sa panahon ng anihan.” Bago pa dumating ang panahon ng pag-ani, sa panahon pa lang ng pamumulaklak ng mga ubas at unti-unting paghinog ng mga bunga nito, puputulin na ng Diyos ang mga sanga nito gamit ang karit. Ang mga bangkay nila ay ipapaubaya sa ibong mandaragit at mababangis na hayop. Magiging pagkain sila ng mga ibon sa panahon ng tag-araw at ng mababangis na hayop sa panahon ng taglamig. Ngunit darating ang araw na tatanggap ang PANGINOON ng mga Hukbo ng mga handog mula sa lupaing dinadaanan ng mga ilog. Ang mga mamamayan nitoʼy matatangkad, makikinis ang balat, makapangyarihan, at kinatatakutan kahit saan. Dadalhin nila ang kanilang mga regalo sa Bundok ng Zion, kung saan sinasamba ang PANGINOON ng mga Hukbo.

Isaias 18:1-7 Ang Biblia (TLAB)

Ah, ang lupain ng pagaspas ng mga pakpak, na nasa dako roon ng mga ilog ng Etiopia: Na nagsusugo ng mga sugo na nangagdadagat, sa makatuwid baga'y sa mga sasakyang papiro sa tubig, na nagsasabi, Magsiyaon kayo, maliliksing sugo, sa bansang mataas at patag, sa bayang kakilakilabot mula sa kanilang pasimula at sa haharapin; sa bansang sumusukat at yumayapak, na ang lupain ay hinahati ng mga ilog! Kayong lahat na nananahan sa sanglibutan, at kayong mga naninirahan sa lupa, pagka ang isang watawat ay nataas sa mga bundok, inyong tingnan; at pagka ang pakakak ay hinipan, makinig kayo. Sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Ako'y tatahimik, at aking mamasdan mula sa aking dakong tahanan, gaya ng malinaw na init sa sikat ng araw, gaya ng ulap na hamog sa init ng pagaani. Sapagka't bago magani, pagka ang bulaklak ay nalagas, at ang bulaklak ay nagiging ubas na nahihinog, kaniyang puputulin ng karit na pangkapon ang mga usbong, at ang mga ladlad na sanga ay kaniyang aalisin at puputulin. Ang mga yaon ay pawang mangaiiwan sa mga ibong mangdadagit sa mga bundok, at sa mga hayop sa lupa: at pagtataginitan ang mga yaon ng mga ibong mangdadagit, at pagtataginawan ang mga yaon ng lahat na hayop sa lupa. Sa panahong yao'y dadalhin ang isang kaloob sa Panginoon ng mga hukbo ng mga taong matataas at makikisig, at mula sa bayang kakilakilabot na mula sa kanilang pasimula hanggang sa haharapin; isang bansa na sumusukat at yumayapak, na ang lupain ay hinahati ng mga ilog, sa dako ng pangalan ng Panginoon ng mga hukbo, na bundok ng Sion.

Isaias 18:1-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Pumapagaspas ang pakpak ng mga kulisap sa isang lupain sa ibayo ng mga ilog ng Etiopia, mula roo'y may dumating na mga sugo sakay ng mga bangkang yari sa tambo, at sumusunod sa agos ng Ilog Nilo. Bumalik na kayo, mabibilis na tagapagbalita, sa inyong lupain na hinahati ng mga ilog, sa inyong bayan na ang tao'y matatangkad at makikinis ang balat, bayang kinagugulatan ng lahat, makapangyarihan at mapanakop. Makinig kayong lahat na mga naninirahan sa daigdig! Abangan ninyo ang pagtataas ng watawat sa ibabaw ng bundok, hintayin ninyo ang tunog ng trumpeta! Sapagkat ganito ang sabi sa akin ni Yahweh: “Buhat sa aking kinaroroonan, tahimik akong nagmamasid, parang sinag ng araw kung maaliwalas ang langit, parang ulap na may dalang hamog sa tag-araw. Sapagkat bago dumating ang anihan kapag tapos na ang pamumulaklak at kapag nahinog na ang mga ubas, ang mga sanga ay puputulin ng matatalas na karit saka itatapon. Ibibigay sila sa ibong mandaragit at sa mababangis na hayop. Kakainin sila ng mga ibon sa tag-araw at ng mga hayop sa taglamig.” Sa panahong iyon, dadalhin kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat ang mga handog na galing sa lupaing ito, sa lupaing hinahati ng mga ilog. Magpapadala ng kanilang handog ang malakas na bansa, ang mga taong matatangkad at makikinis ang balat, na kinatatakutan sa buong daigdig. Pupunta sila sa Bundok ng Zion, sa lugar na nakalaan sa pagsamba kay Yahweh na Makapangyarihan sa lahat.

Isaias 18:1-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)