Isaias 14:9-16
Isaias 14:9-16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang daigdig ng mga patay ay abala sa iyong pagdating; ito'y naghahanda upang ikaw ay salubungin; ginising niya ang mga kaluluwa upang batiin ka, ng mga dating makapangyarihan sa daigdig. Pinatayo niya mula sa kanilang trono ang hari ng mga bansa. Lahat sila ay magsasabi sa iyo: ‘Ikaw pala'y naging mahina ring tulad namin! At sinapit mo rin ang aming sinapit!’ Noo'y pinaparangalan ka ng tugtog ng alpa, ngayo'y narito ka na sa daigdig ng mga patay. Uod ang iyong hinihigan at uod rin ang iyong kinukumot.” “O Maningning na Bituin sa umaga, anak ng Bukang-liwayway! Bumagsak ka rin sa lupa, at nahulog mula sa langit. Ikaw na nagpasuko sa mga bansa! Hindi ba't sinabi mo sa iyong sarili? ‘Aakyat ako sa langit; at sa ibabaw ng mga bituin ng Diyos, ilalagay ko ang aking trono. Uupo ako sa ibabaw ng bundok na tagpuan ng mga diyos sa malayong hilaga. Aakyat ako sa ibabaw ng mga ulap, papantayan ko ang Kataas-taasan.’ Ngunit anong nangyari at nahulog ka sa daigdig ng mga patay? Sa kalalimang walang hanggan? Pagmamasdan ka ng mga patay at magtatanong ang mga ito: ‘Hindi ba ang taong ito ang nagpayanig sa lupa, at nagpabagsak sa mga kaharian?
Isaias 14:9-16 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nagkakagulo ang mga patay sa iyong pagdating at handang-handa na sila para ikaʼy salubungin. Ang kaluluwa ng mga dating makapangyarihan sa mundo ay nagkakagulo sa pagbati sa iyo. Tumatayo sa kanilang mga trono ang kaluluwa ng mga hari para salubungin ka. Sasagot silang lahat at sasabihin nila saʼyo, “Humina ka na rin pala katulad namin. Pare-pareho na tayo.” Ngayong patay ka na, wala ka nang kapangyarihan, at wala na rin ang mga tugtugan ng mga alpa upang ikaʼy parangalan. Uod na ang iyong higaan at sila rin ang kumot mo. Nahulog ka mula sa langit, ikaw na tinatawag na tala sa umaga. Ibinagsak ka sa lupa, ikaw na nagpasuko ng mga bansa. Sinabi mo sa iyong sarili, “Aakyat ako sa langit, at ilalagay ko ang aking trono sa itaas ng mga bituin ng Diyos. Uupo ako sa itaas ng bundok na pinagtitipunan ng mga diyos sa bandang hilaga. Aakyat ako sa itaas ng mga ulap, at magiging gaya ng Kataas-taasang Diyos.” Ngunit sa halip, dinala ka sa lugar ng mga patay, sa pinakamalalim na hukay. Tititigan kang mabuti ng mga patay at kanilang sasabihin, “Hindi baʼt ito ang taong sa buong mundoʼy kinatatakutan, at yumanig ng mga kaharian?
Isaias 14:9-16 Ang Biblia (TLAB)
Ang Sheol mula sa ibaba ay nakikilos sa iyo upang salubungin ka sa iyong pagdating; nangapupukaw ang mga patay dahil sa iyo, sa makatuwid baga'y ang lahat na pinakapangulo sa lupa; nagsitindig mula sa kanilang mga luklukan ang lahat ng hari ng mga bansa. Silang lahat ay magsisisagot at mangagsasabi sa iyo, Pati ba ikaw ay naging mahinang gaya namin? ikaw ba'y naging gaya namin? Ang iyong kahambugan ay nababa sa Sheol pati ng tunog ng iyong mga biola: ang uod ay nangangalat sa ilalim mo, at tinatakpan ka ng mga uod. Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa! At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan: Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan. Gayon ma'y mabababa ka sa Sheol, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hukay. Silang nangakakakita sa iyo ay magsisititig sa iyo, kanilang mamasdan ka, na mangagsasabi, Ito baga ang lalake na nagpayanig ng lupa, na nagpauga ng mga kaharian
Isaias 14:9-16 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang daigdig ng mga patay ay abala sa iyong pagdating; ito'y naghahanda upang ikaw ay salubungin; ginising niya ang mga kaluluwa upang batiin ka, ng mga dating makapangyarihan sa daigdig. Pinatayo niya mula sa kanilang trono ang hari ng mga bansa. Lahat sila ay magsasabi sa iyo: ‘Ikaw pala'y naging mahina ring tulad namin! At sinapit mo rin ang aming sinapit!’ Noo'y pinaparangalan ka ng tugtog ng alpa, ngayo'y narito ka na sa daigdig ng mga patay. Uod ang iyong hinihigan at uod rin ang iyong kinukumot.” “O Maningning na Bituin sa umaga, anak ng Bukang-liwayway! Bumagsak ka rin sa lupa, at nahulog mula sa langit. Ikaw na nagpasuko sa mga bansa! Hindi ba't sinabi mo sa iyong sarili? ‘Aakyat ako sa langit; at sa ibabaw ng mga bituin ng Diyos, ilalagay ko ang aking trono. Uupo ako sa ibabaw ng bundok na tagpuan ng mga diyos sa malayong hilaga. Aakyat ako sa ibabaw ng mga ulap, papantayan ko ang Kataas-taasan.’ Ngunit anong nangyari at nahulog ka sa daigdig ng mga patay? Sa kalalimang walang hanggan? Pagmamasdan ka ng mga patay at magtatanong ang mga ito: ‘Hindi ba ang taong ito ang nagpayanig sa lupa, at nagpabagsak sa mga kaharian?
Isaias 14:9-16 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)