Isaias 14:3-14
Isaias 14:3-14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa araw na pagpahingahin kayo ni Yahweh sa inyong paghihirap, pagtitiis at pagkaalipin, hahamakin ninyo nang ganito ang hari ng Babilonia: “Bumagsak na ang malupit na hari! Hindi na siya makapang-aaping muli. Winakasan na ni Yahweh ang kapangyarihan ng masama, ang tagapamahala, na walang awang nagpahirap sa mga tao, buong lupit na naghari sa mga bansang kanilang sinakop. Natahimik din sa wakas ang buong lupa, at ang mga tao'y nag-aawitan sa tuwa. Tuwang-tuwa ang mga sipres at ang mga sedar ng Lebanon dahil sa nangyari sa hari. Sinasabi nila: ‘Ngayong ikaw ay wala na, wala na ring puputol sa amin.’ Ang daigdig ng mga patay ay abala sa iyong pagdating; ito'y naghahanda upang ikaw ay salubungin; ginising niya ang mga kaluluwa upang batiin ka, ng mga dating makapangyarihan sa daigdig. Pinatayo niya mula sa kanilang trono ang hari ng mga bansa. Lahat sila ay magsasabi sa iyo: ‘Ikaw pala'y naging mahina ring tulad namin! At sinapit mo rin ang aming sinapit!’ Noo'y pinaparangalan ka ng tugtog ng alpa, ngayo'y narito ka na sa daigdig ng mga patay. Uod ang iyong hinihigan at uod rin ang iyong kinukumot.” “O Maningning na Bituin sa umaga, anak ng Bukang-liwayway! Bumagsak ka rin sa lupa, at nahulog mula sa langit. Ikaw na nagpasuko sa mga bansa! Hindi ba't sinabi mo sa iyong sarili? ‘Aakyat ako sa langit; at sa ibabaw ng mga bituin ng Diyos, ilalagay ko ang aking trono. Uupo ako sa ibabaw ng bundok na tagpuan ng mga diyos sa malayong hilaga. Aakyat ako sa ibabaw ng mga ulap, papantayan ko ang Kataas-taasan.’
Isaias 14:3-14 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sa araw na kayoʼy bibigyan ng ginhawa ng PANGINOON sa inyong mga paghihirap, pagkabagabag, at mabigat na gawaing dahil sa inyong pagkaalipin, kukutyain ninyo ng ganito ang hari ng Babilonia: Ang mapang-aping hari ay bumagsak na! Tumigil na ang kanyang pang-aalipusta! Pinutol na ng PANGINOON ang tungkod ng masasama, maging ang baston ng mga namamahala na kapag nagagalit, tao ang nagdurusa at kapag napopoot, inuusig ang mga bansa, at walang tigil ang pang-aalipusta. Ang mga kalupaaʼy panatag at payapa at magaawitan ang mga tao sa tuwa. Magagalak pati ang mga puno ng sipres at sedro sa Lebanon dahil sa nangyari sa hari. Para nilang sinasabi, “Ngayong wala ka na, wala nang puputol sa amin.” Nagkakagulo ang mga patay sa iyong pagdating at handang-handa na sila para ikaʼy salubungin. Ang kaluluwa ng mga dating makapangyarihan sa mundo ay nagkakagulo sa pagbati sa iyo. Tumatayo sa kanilang mga trono ang kaluluwa ng mga hari para salubungin ka. Sasagot silang lahat at sasabihin nila saʼyo, “Humina ka na rin pala katulad namin. Pare-pareho na tayo.” Ngayong patay ka na, wala ka nang kapangyarihan, at wala na rin ang mga tugtugan ng mga alpa upang ikaʼy parangalan. Uod na ang iyong higaan at sila rin ang kumot mo. Nahulog ka mula sa langit, ikaw na tinatawag na tala sa umaga. Ibinagsak ka sa lupa, ikaw na nagpasuko ng mga bansa. Sinabi mo sa iyong sarili, “Aakyat ako sa langit, at ilalagay ko ang aking trono sa itaas ng mga bituin ng Diyos. Uupo ako sa itaas ng bundok na pinagtitipunan ng mga diyos sa bandang hilaga. Aakyat ako sa itaas ng mga ulap, at magiging gaya ng Kataas-taasang Diyos.”
Isaias 14:3-14 Ang Biblia (TLAB)
At mangyayari, sa araw na bibigyan ka ng Panginoon ng kapahingahan sa iyong kapanglawan, at sa iyong kabagabagan, at sa mabigat na paglilingkod na ipinapaglingkod sa iyo, Na iyong gagamitin ang talinghagang ito laban sa hari sa Babilonia, at iyong sasabihin, Kung paano ang mamimighati ay naglikat! ang bayang ginto ay naglikat! Binali ng Panginoon ang tungkod ng masama, ang cetro ng mga pinuno; Siya na sumakit ng mga tao sa poot ng walang likat na bugbog, na nagpuno sa mga bansa sa galit, na may pag-uusig na hindi pinigil ng sinoman. Ang buong lupa ay nasa katiwasayan, at tahimik: sila'y biglang nagsisiawit. Oo, ang mga puno ng cipres ay nagagalak dahil sa iyo, at ang mga cedro sa Libano, na nangagsasabi, Mula nang ikaw ay malugmok wala nang mamumutol na umaahon laban sa amin. Ang Sheol mula sa ibaba ay nakikilos sa iyo upang salubungin ka sa iyong pagdating; nangapupukaw ang mga patay dahil sa iyo, sa makatuwid baga'y ang lahat na pinakapangulo sa lupa; nagsitindig mula sa kanilang mga luklukan ang lahat ng hari ng mga bansa. Silang lahat ay magsisisagot at mangagsasabi sa iyo, Pati ba ikaw ay naging mahinang gaya namin? ikaw ba'y naging gaya namin? Ang iyong kahambugan ay nababa sa Sheol pati ng tunog ng iyong mga biola: ang uod ay nangangalat sa ilalim mo, at tinatakpan ka ng mga uod. Ano't nahulog ka mula sa langit, Oh tala sa umaga, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa! At sinabi mo sa iyong sarili, Ako'y sasampa sa langit, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan: Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; ako'y magiging gaya ng Kataastaasan.
Isaias 14:3-14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa araw na pagpahingahin kayo ni Yahweh sa inyong paghihirap, pagtitiis at pagkaalipin, hahamakin ninyo nang ganito ang hari ng Babilonia: “Bumagsak na ang malupit na hari! Hindi na siya makapang-aaping muli. Winakasan na ni Yahweh ang kapangyarihan ng masama, ang tagapamahala, na walang awang nagpahirap sa mga tao, buong lupit na naghari sa mga bansang kanilang sinakop. Natahimik din sa wakas ang buong lupa, at ang mga tao'y nag-aawitan sa tuwa. Tuwang-tuwa ang mga sipres at ang mga sedar ng Lebanon dahil sa nangyari sa hari. Sinasabi nila: ‘Ngayong ikaw ay wala na, wala na ring puputol sa amin.’ Ang daigdig ng mga patay ay abala sa iyong pagdating; ito'y naghahanda upang ikaw ay salubungin; ginising niya ang mga kaluluwa upang batiin ka, ng mga dating makapangyarihan sa daigdig. Pinatayo niya mula sa kanilang trono ang hari ng mga bansa. Lahat sila ay magsasabi sa iyo: ‘Ikaw pala'y naging mahina ring tulad namin! At sinapit mo rin ang aming sinapit!’ Noo'y pinaparangalan ka ng tugtog ng alpa, ngayo'y narito ka na sa daigdig ng mga patay. Uod ang iyong hinihigan at uod rin ang iyong kinukumot.” “O Maningning na Bituin sa umaga, anak ng Bukang-liwayway! Bumagsak ka rin sa lupa, at nahulog mula sa langit. Ikaw na nagpasuko sa mga bansa! Hindi ba't sinabi mo sa iyong sarili? ‘Aakyat ako sa langit; at sa ibabaw ng mga bituin ng Diyos, ilalagay ko ang aking trono. Uupo ako sa ibabaw ng bundok na tagpuan ng mga diyos sa malayong hilaga. Aakyat ako sa ibabaw ng mga ulap, papantayan ko ang Kataas-taasan.’
Isaias 14:3-14 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)