Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Isaias 1:1-4 - Compare All Versions

Isaias 1:1-4 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))

Ang aklat na ito ay naglalaman ng pangitain ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at sa Jerusalem noong panahon ng paghahari sa Juda nina Uzias, Jotam, Ahaz at Hezekias. Makinig ang kalangitan gayundin ang kalupaan, sapagkat si Yahweh ay nagsasalita, “Pinalaki ko't inalagaan ang aking mga anak, ngunit naghimagsik sila laban sa akin. Nakikilala ng baka ang kanyang panginoon, at ng asno kung saan siya pinapakain ng kanyang amo; ngunit hindi ako nakikilala ng Israel, hindi ako nauunawaan ng aking bayan.” Bansang makasalanan, mga taong puno ng kasamaan, mga anak ng masasamang tao, mga anak ng katiwalian! Itinakwil ninyo si Yahweh, nilait ang Banal na Diyos ng Israel at pagkatapos ay tinalikuran ninyo siya.

Isaias 1:1-4 ASD (Ang Salita ng Diyos)

Ang aklat na itoʼy tungkol sa ipinahayag ng Diyos kay Isaias na anak ni Amoz. Tungkol ito sa Juda at Jerusalem noong panahong magkakasunod na naghari sa Juda sina Uzias, Jotam, Ahaz, at Ezequias. Makinig kayo, langit at lupa, sapagkat nagsalita ang PANGINOON, “Inalagaan koʼt pinalaki ang aking mga anak, ngunit silaʼy nagrebelde sa akin. Kahit ang mga bakaʼy kilala ang nagmamay-ari sa kanila, at ang mga asnoʼy alam kung nasaan ang kanilang sabsaban ngunit ang aking bayang Israel ay hindi nakakakilala, ang aking mamamayan ay hindi nakakaunawa.” Kawawa ang makasalanang bansang ito, isang sambayanang punong-puno ng kasamaan, lahi ng mga gumagawa ng masama at mapaminsala. Itinakwil nila at kinutya ang PANGINOON, ang Banal na Diyos ng Israel, at siyaʼy tinalikuran nila.

Isaias 1:1-4 TLAB (Ang Biblia)

Ang pangitain ni Isaias na anak ni Amoz, na nakita tungkol sa Juda at Jerusalem, sa mga kaarawan ni Uzias, ni Jotham, ni Ahaz, at ni Ezechias, na mga hari sa Juda. Dinggin mo, Oh langit, at pakinggan mo, Oh lupa, sapagka't sinalita ng Panginoon: Ako'y nagalaga at nagpalaki ng mga bata, at sila'y nanganghimagsik laban sa akin. Nakikilala ng baka ang kaniyang panginoon, at ng asno ang pasabsaban ng kaniyang panginoon: nguni't ang Israel ay hindi nakakakilala, ang bayan ko ay hindi gumugunita. Ah bansang salarin, bayang napapasanan ng kasamaan, lahi ng mga manggagawa ng kasamaan, mga anak na nagsisigawa ng kalikuan: pinabayaan nila ang Panginoon, hinamak nila ang Banal ng Israel, sila'y nangapalayo na nagsiurong.

Isaias 1:1-4 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))

Ang aklat na ito ay naglalaman ng pangitain ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at sa Jerusalem noong panahon ng paghahari sa Juda nina Uzias, Jotam, Ahaz at Hezekias. Makinig ang kalangitan gayundin ang kalupaan, sapagkat si Yahweh ay nagsasalita, “Pinalaki ko't inalagaan ang aking mga anak, ngunit naghimagsik sila laban sa akin. Nakikilala ng baka ang kanyang panginoon, at ng asno kung saan siya pinapakain ng kanyang amo; ngunit hindi ako nakikilala ng Israel, hindi ako nauunawaan ng aking bayan.” Bansang makasalanan, mga taong puno ng kasamaan, mga anak ng masasamang tao, mga anak ng katiwalian! Itinakwil ninyo si Yahweh, nilait ang Banal na Diyos ng Israel at pagkatapos ay tinalikuran ninyo siya.

Isaias 1:1-4 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))