Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Hosea 9:1-9

Hosea 9:1-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)

Huwag kang magalak, Israel! Huwag kang magdiwang tulad ng ibang mga bansa, sapagkat naging tulad ka ng mahalay na babae. Tinalikuran mo ang iyong Diyos at nakipagtalik sa iba-ibang lalaki. Ikinatuwa mong ika'y isang babaing bayaran, kahit saang lugar ika'y sinisipingan. Ngunit ang ginagawa nila sa giikan at sa pisaan ng alak ay hindi nila ikabubuhay, at ang bagong alak ay hindi nila matitikman. Hindi sila mananatili sa lupain ni Yahweh; subalit ang Efraim ay magbabalik sa Egipto, at kakain sila sa Asiria ng mga pagkaing nagpaparumi at ipinagbabawal. Hindi na sila papayagang maghandog ng alak kay Yahweh, at hindi naman siya malulugod sa kanilang mga handog. Ang pagkain nila'y matutulad sa pagkain ng namatayan; magiging marumi ang lahat ng kakain nito. Sapagkat ang pagkain nila'y para lamang sa kanilang katawan; hindi iyon maihahandog sa Templo ni Yahweh. Ano ang gagawin mo sa araw ng itinakdang kapistahan, at sa araw ng kapistahan ng pagdiriwang para kay Yahweh? Makatakas man sila sa pagkawasak, titipunin rin sila ng Egipto, at ililibing sa Memfis. Matatakpan ng damo ang kanilang mga kagamitang pilak; at tutubuan ng dawag ang mga tahanan nilang wasak. Dumating na ang mga araw ng pagpaparusa, sumapit na ang araw ng paghihiganti; ito'y malalaman ng Israel. Ang sabi ninyo, “Mangmang ang isang propeta, at ang lingkod ng Diyos ay baliw!” Totoo iyan sapagkat labis na ang inyong kasamaan, at matindi ang inyong poot. Ang propeta'y siyang bantay sa Efraim, ang bayan ng aking Diyos, ngunit may bitag na laging sa kanya'y nakaumang, at kinapopootan siya maging sa templo ng kanyang Diyos. Nagpakasamang lubha ang aking bayan gaya ng nangyari sa Gibea. Gugunitain ng Diyos ang kanilang kalikuan, at paparusahan ang kanilang mga kasalanan.

Hosea 9:1-9 Ang Salita ng Diyos (ASD)

Huwag kayong matuwa, Israel; huwag kayong magdiwang katulad ng mga ibang bansa. Sapagkat hindi kayo naging tapat sa inyong Diyos; nasisiyahan kayo sa inyong upa bilang babaeng bayaran, at inaakalang ang mga butil sa bawat giikan ay ibinigay ng inyong diyos-diyosan. Ngunit sa bandang huli, mauubusan kayo ng mga trigo at bagong alak. Lilisanin ninyo ang Israel, ang lupain ng PANGINOON, at babalik kayo sa Ehipto, at ang iba sa inyo ay pupunta sa Asiria, at doon ay kakain kayo ng mga pagkaing itinuturing ninyong marumi. Hindi na kayo papayagang magbuhos ng mga handog na inumin sa PANGINOON. Wala sa anumang handog ninyo ang nakakalugod sa kanya. Ang mga itoʼy ituturing na marumi gaya ng pagkaing inihahain ng isang taong nagluluksa. Ang inyong mga pagkain ay para lamang sa inyong sarili at hindi maaaring ihandog sa Templo ng PANGINOON. Kung ganoon, ano ngayon ang inyong gagawin kapag dumating ang mga espesyal na araw ng pagsamba o mga pista upang parangalan ang PANGINOON? Kahit na makatakas kayo sa kapahamakan, titipunin pa rin kayo sa Ehipto at ililibing sa Memfis. Matatakpan ng mga damo at matitinik na halaman ang inyong mga mamahaling kagamitang pilak pati ang inyong mga tolda. Mga taga-Israel, dumating na ang araw ng inyong kaparusahan, ang araw na gagantihan kayo sa inyong mga ginawa. At tiyak na malalaman ninyo na dumating na nga ito. Sinasabi ninyo, “Ang propetang iyan ay hangal, isang lingkod ng Diyos na nasisiraan ng ulo.” Sinasabi ninyo iyon dahil marami na kayong mga kasalanan at galit kayo sa akin. Bilang propeta, kasama ko ang Diyos sa pagbabantay sa inyo na mga taga-Israel. Ngunit kahit saan ako pumunta ay nais ninyo akong ipahamak; para akong ibon na gusto ninyong mahuli sa bitag. Galit sa akin ang mga tao sa Israel, na itinuturing ng Diyos na kanyang tahanan. Napakasama na ninyo tulad ng mga lalaki noon sa Gibea. Aalalahanin ng Diyos ang inyong mga kasamaan, at parurusahan niya kayo sa inyong mga kasalanan.

Hosea 9:1-9 Ang Biblia (TLAB)

Huwag kang magalak, Oh Israel sa katuwaan, na gaya ng mga bayan; sapagka't ikaw ay nagpatutot na humihiwalay sa iyong Dios; iyong inibig ang upa sa bawa't giikan. Ang giikan at ang pisaan ng ubas ay hindi magpapakain sa kanila, at ang bagong alak ay magkukulang sa kaniya. Sila'y hindi magsisitahan sa lupain ng Panginoon; kundi ang Ephraim ay babalik sa Egipto, at sila'y magsisikain ng maruming pagkain sa Asiria. Hindi nila ipagbubuhos ng alak ang Panginoon, ni makalulugod man sa kaniya: ang kanilang mga hain ay magiging sa kanila'y parang tinapay ng nangagluksa; lahat ng magsikain niyaon ay mangapapahamak; sapagka't ang kanilang tinapay ay parang sa kanilang ipagkakagana; hindi papasok sa bahay ng Panginoon. Ano ang inyong gagawin sa kaarawan ng takdang kapulungan, at sa kaarawan ng kapistahan ng Panginoon? Sapagka't, narito, sila'y nagsialis sa kagibaan, gayon ma'y pipisanin sila ng Egipto, sila'y ililibing ng Memphis; ang kanilang maligayang mga bagay na pilak ay aariin ng dawag; mga tinik ang sasa kanilang mga tolda. Ang mga kaarawan ng pagdalaw ay dumating, ang mga kaarawan ng kagantihan ay dumating; malalaman ng Israel: ang propeta ay mangmang, ang lalake na may espiritu ay ulol, dahil sa karamihan ng iyong kasamaan, at sapagka't ang poot ay malaki. Ang Ephraim ay bantay na kasama ng aking Dios: tungkol sa propeta, ay silo ng manghuhuli sa lahat ng kaniyang lansangan, at pagkakaalit ay nasa bahay ng kaniyang Dios. Sila'y nangagpapahamak na mainam, na gaya ng mga kaarawan ng Gabaa: kaniyang aalalahanin ang kanilang kasamaan, kaniyang dadalawin ang kanilang mga kasalanan.

Hosea 9:1-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)

Huwag kang magalak, Israel! Huwag kang magdiwang tulad ng ibang mga bansa, sapagkat naging tulad ka ng mahalay na babae. Tinalikuran mo ang iyong Diyos at nakipagtalik sa iba-ibang lalaki. Ikinatuwa mong ika'y isang babaing bayaran, kahit saang lugar ika'y sinisipingan. Ngunit ang ginagawa nila sa giikan at sa pisaan ng alak ay hindi nila ikabubuhay, at ang bagong alak ay hindi nila matitikman. Hindi sila mananatili sa lupain ni Yahweh; subalit ang Efraim ay magbabalik sa Egipto, at kakain sila sa Asiria ng mga pagkaing nagpaparumi at ipinagbabawal. Hindi na sila papayagang maghandog ng alak kay Yahweh, at hindi naman siya malulugod sa kanilang mga handog. Ang pagkain nila'y matutulad sa pagkain ng namatayan; magiging marumi ang lahat ng kakain nito. Sapagkat ang pagkain nila'y para lamang sa kanilang katawan; hindi iyon maihahandog sa Templo ni Yahweh. Ano ang gagawin mo sa araw ng itinakdang kapistahan, at sa araw ng kapistahan ng pagdiriwang para kay Yahweh? Makatakas man sila sa pagkawasak, titipunin rin sila ng Egipto, at ililibing sa Memfis. Matatakpan ng damo ang kanilang mga kagamitang pilak; at tutubuan ng dawag ang mga tahanan nilang wasak. Dumating na ang mga araw ng pagpaparusa, sumapit na ang araw ng paghihiganti; ito'y malalaman ng Israel. Ang sabi ninyo, “Mangmang ang isang propeta, at ang lingkod ng Diyos ay baliw!” Totoo iyan sapagkat labis na ang inyong kasamaan, at matindi ang inyong poot. Ang propeta'y siyang bantay sa Efraim, ang bayan ng aking Diyos, ngunit may bitag na laging sa kanya'y nakaumang, at kinapopootan siya maging sa templo ng kanyang Diyos. Nagpakasamang lubha ang aking bayan gaya ng nangyari sa Gibea. Gugunitain ng Diyos ang kanilang kalikuan, at paparusahan ang kanilang mga kasalanan.

Hosea 9:1-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)