Hosea 6:4-10
Hosea 6:4-10 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Ano ang gagawin ko sa iyo, Efraim? Ano ang gagawin ko sa iyo, Juda? Ang pag-ibig ninyo sa akin ay tulad ng ulap sa umaga, gaya ng hamog na dagling napapawi. Kaya nga, pinarusahan ko kayo sa pamamagitan ng mga propeta, at pinagpapatay sa pamamagitan ng aking mga salita; simbilis ng kidlat ang katuparan ng aking hatol. Sapagkat wagas na pag-ibig ang nais ko at hindi handog, pagkilala sa Diyos sa halip na handog na sinusunog. “Ngunit tulad ni Adan ay sumira kayo sa ating kasunduan, nagtaksil kayo sa aking pag-ibig. Ang Gilead ay lunsod ng mga makasalanan, tigmak sa dugo ang mga lansangan nito. Nagkakaisa ang mga pari, parang mga tulisang nag-aabang sa bibiktimahin. Pumapatay sila sa daang patungo sa Shekem; mabigat na kasalanan ang ginagawa nila. Kahindik-hindik ang nakita ko sa sambahayan ni Israel. Ang Efraim ay nalulong na sa kalaswaan; ang Israel naman ay nahandusay sa putikan.
Hosea 6:4-10 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“O Israel at Juda, ano ang gagawin ko sa inyo? Ang pag-ibig ninyo sa akiʼy parang ambon o hamog sa umaga na madaling mawala. Kaya nga binalaan ko kayo sa pamamagitan ng mga propeta na kayoʼy mapapahamak at mamamatay. Hahatulan ko kayo na kasimbilis ng kidlat. Sapagkat hindi ang inyong mga handog ang nais ko, kundi ang inyong pagmamahal. Mas nanaisin ko pang kilalanin ninyo ako bilang Diyos kaysa sa mag-alay kayo ng mga handog na sinusunog. Ngunit tulad ni Adan, sinira ninyo ang kasunduan natin. Nagtaksil kayo sa akin diyan sa inyong lugar. Ang bayan ng Gilead ay tirahan ng mga makasalanan at nabahiran ng mga bakas ng mga paang madudugo. Ang inyong mga pari ay parang mga tulisan na nag-aabang ng kanilang mabibiktima. Pumapatay sila sa daang patungo sa Shekem, at gumagawa ng maraming nakakahiyang gawain. Mga taga-Israel, kakila-kilabot ang nakita ko sa inyo. Sumasamba kayo sa mga diyos-diyosan, kaya naging marumi kayo.
Hosea 6:4-10 Ang Biblia (TLAB)
Oh Ephraim, ano ang gagawin ko sa iyo? Oh Juda, ano ang gagawin ko sa iyo? sapagka't ang inyong kabutihan ay parang ulap sa umaga, at parang hamog na lumalabas na maaga. Kaya't aking pinutol sila sa pamamagitan ng mga propeta; aking pinatay sila ng mga salita ng aking bibig; at ang iyong mga kahatulan ay parang liwanag na lumalabas. Sapagka't ako'y nagnanasa ng kaawaan, at hindi hain; at ng pagkakilala sa Dios higit kay sa mga handog na susunugin. Nguni't sila gaya ni Adan ay sumalangsang sa tipan: doo'y nagsigawa silang may paglililo laban sa akin. Ang Galaad ay bayang gumagawa ng kasamaan; tigmak sa dugo. At kung paanong ang mga pulutong ng mga tulisan na nagsisiabang sa isang tao, ay gayon ang pulutong ng mga saserdote na nagsisipatay sa daan na dakong Sichem; Oo, sila'y gumawa ng kahalayan. Sa sangbahayan ni Israel ay nakakita ako ng kakilakilabot na bagay: doo'y nagpatutot ang Ephraim, ang Israel ay napahamak.
Hosea 6:4-10 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Ano ang gagawin ko sa iyo, Efraim? Ano ang gagawin ko sa iyo, Juda? Ang pag-ibig ninyo sa akin ay tulad ng ulap sa umaga, gaya ng hamog na dagling napapawi. Kaya nga, pinarusahan ko kayo sa pamamagitan ng mga propeta, at pinagpapatay sa pamamagitan ng aking mga salita; simbilis ng kidlat ang katuparan ng aking hatol. Sapagkat wagas na pag-ibig ang nais ko at hindi handog, pagkilala sa Diyos sa halip na handog na sinusunog. “Ngunit tulad ni Adan ay sumira kayo sa ating kasunduan, nagtaksil kayo sa aking pag-ibig. Ang Gilead ay lunsod ng mga makasalanan, tigmak sa dugo ang mga lansangan nito. Nagkakaisa ang mga pari, parang mga tulisang nag-aabang sa bibiktimahin. Pumapatay sila sa daang patungo sa Shekem; mabigat na kasalanan ang ginagawa nila. Kahindik-hindik ang nakita ko sa sambahayan ni Israel. Ang Efraim ay nalulong na sa kalaswaan; ang Israel naman ay nahandusay sa putikan.
Hosea 6:4-10 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)