Hosea 6:1-3
Hosea 6:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
“Halikayo, tayo'y manumbalik kay Yahweh; sapagkat ang nanakit ay siya ring magpapagaling. Siya ang nanugat, kaya't siya rin ang gagamot. Sa loob ng dalawang araw ay mapapalakas niya tayo; sa ikatlong araw, tayo'y kanyang ibabangon, upang tayo'y mabuhay sa kanyang harapan. Halikayo't kilalanin natin si Yahweh, sikapin nating siya'y makilala. Kasintiyak ng pagdating ng bukang-liwayway, darating siyang walang pagsala, tulad ng patak ng ulan sa panahon ng taglamig, tulad ng tubig-ulan na nagpapasibol sa mga halaman.”
Hosea 6:1-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nag-usap-usap ang mga taga-Israel. Sabi nila, “Halikayo! Magbalik-loob tayo sa PANGINOON. Sinaktan niya tayo, ngunit siya rin ang magpapagaling sa atin. Para tayong mga patay na agad niyang bubuhayin. Hindi magtatagal, at ibabangon niya tayo upang mamuhay sa kanyang presensya. Pagsikapan nating makilala ang PANGINOON. Siyaʼy tiyak na darating, kasing tiyak ng pagsikat ng araw. Darating siyang parang ulan na magdidilig sa mga lupain.”
Hosea 6:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Magsiparito kayo, at tayo'y manumbalik sa Panginoon; sapagka't siya'y lumapa, at pagagalingin niya tayo; siya'y nanakit, at kaniyang tatapalan tayo. Pagkatapos ng dalawang araw ay muling bubuhayin niya tayo: sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo, at tayo'y mangabubuhay sa harap niya. At ating kilalanin, tayo'y magpatuloy upang makilala ang Panginoon: ang kaniyang paglabas ay tunay na parang umaga; at siya'y paririto sa atin na parang ulan, na parang huling ulan na dumidilig ng lupa.
Hosea 6:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
“Halikayo, tayo'y manumbalik kay Yahweh; sapagkat ang nanakit ay siya ring magpapagaling. Siya ang nanugat, kaya't siya rin ang gagamot. Sa loob ng dalawang araw ay mapapalakas niya tayo; sa ikatlong araw, tayo'y kanyang ibabangon, upang tayo'y mabuhay sa kanyang harapan. Halikayo't kilalanin natin si Yahweh, sikapin nating siya'y makilala. Kasintiyak ng pagdating ng bukang-liwayway, darating siyang walang pagsala, tulad ng patak ng ulan sa panahon ng taglamig, tulad ng tubig-ulan na nagpapasibol sa mga halaman.”
Hosea 6:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)