Hosea 4:1-5
Hosea 4:1-5 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dinggin ninyo, mga taga-Israel, ang pahayag ni Yahweh, sapagkat may bintang siya laban sa inyo. “Sa lupaing ito ay walang katapatan, walang pagmamahalan at walang pagkilala sa Diyos. Sa halip ay laganap ang pagtutungayaw at pagsisinungaling, pagpatay, pagnanakaw at pangangalunya. Nilalabag nila ang lahat ng batas at sunod-sunod ang mga pamamaslang. Kaya't nagdadalamhati ang lupain, nalulumbay ang lahat ng naninirahan dito. Halos malipol ang mga hayop sa parang, ang mga ibon sa papawirin, at ang mga isda sa dagat. “Gayunma'y huwag magbintang ang sinuman, at huwag usigin ang iba, sapagkat ang hinanakit ko'y laban sa inyo, mga pari. Araw at gabi'y lagi kayong nabibigo, at ang propeta'y kasama ninyong bigo. Kaya't lilipulin ko ang Israel na inyong ina.
Hosea 4:1-5 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kayong mga Israelitang naninirahan sa lupain ng Israel, pakinggan ninyo ang salita ng PANGINOON sapagkat may paratang siya laban sa inyo: “Wala ni isa man sa inyong lupain ang tapat, nagmamahal, at kumikilala sa akin. Sa halip, laganap ang paggawa ng masama sa kapwa, pagsisinungaling, pagpatay, pagnanakaw at pangangalunya. Laganap ito kahit saan, at sunod-sunod ang patayan. Dahil dito, natutuyo ang inyong lupain at ang mga naninirahan doon ay namamatay, pati mga hayop: ang lumalakad, lumilipad, at ang lumalangoy. “Ngunit walang sinuman ang dapat mang-usig o mang-akusa sa kanyang kapwa sapagkat kayong mga pari ang gusto kong isakdal. Kayo at ang mga propeta ay mapapahamak sa araw man o sa gabi pati ang inyong mga ina.
Hosea 4:1-5 Ang Biblia (TLAB)
Dinggin ninyo ang salita ng Panginoon, ninyong mga anak ni Israel; sapagka't ang Panginoon ay may pakikipagkaalit sa mga mananahan sa lupain, sapagka't walang katotohanan, ni kaawaan man, ni kaalaman man tungkol sa Dios sa lupain. Wala kundi pagsumpa at kawalan ng pagtatapat, at pagpatay, pagnanakaw, at pangangalunya; sila'y nagsisidaluhong, at nagkakabubuan ng dugo. Kaya't ang lupain ay tatangis, at bawa't tumatahan doon ay manglulupaypay, kasama ng mga hayop sa parang at ng mga ibon sa himpapawid; oo, ang mga isda rin naman sa dagat ay mangahuhuli. Gayon ma'y huwag makipaglaban ang sinoman, o sumuway man ang sinoman; sapagka't ang iyong bayan ay gaya ng nakikipaglaban sa saserdote. At ikaw ay matitisod sa araw, at ang propeta naman ay matitisod na kasama mo sa gabi; at aking papatayin ang iyong ina.
Hosea 4:1-5 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Dinggin ninyo, mga taga-Israel, ang pahayag ni Yahweh, sapagkat may bintang siya laban sa inyo. “Sa lupaing ito ay walang katapatan, walang pagmamahalan at walang pagkilala sa Diyos. Sa halip ay laganap ang pagtutungayaw at pagsisinungaling, pagpatay, pagnanakaw at pangangalunya. Nilalabag nila ang lahat ng batas at sunod-sunod ang mga pamamaslang. Kaya't nagdadalamhati ang lupain, nalulumbay ang lahat ng naninirahan dito. Halos malipol ang mga hayop sa parang, ang mga ibon sa papawirin, at ang mga isda sa dagat. “Gayunma'y huwag magbintang ang sinuman, at huwag usigin ang iba, sapagkat ang hinanakit ko'y laban sa inyo, mga pari. Araw at gabi'y lagi kayong nabibigo, at ang propeta'y kasama ninyong bigo. Kaya't lilipulin ko ang Israel na inyong ina.
Hosea 4:1-5 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)