Hosea 14:1-9
Hosea 14:1-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Manumbalik ka Israel kay Yahweh na iyong Diyos. Ang pagbagsak mo ay bunga ng iyong kasamaan. Dalhin ninyo ang inyong kahilingan, lumapit kayo kay Yahweh; sabihin ninyo sa kanya, “Patawarin po ninyo kami. Kami'y iyong kahabagan, kami'y iyong tanggapin. Maghahandog kami sa iyo ng pagpupuri. Hindi kami kayang iligtas ng hukbo ng Asiria, hindi kami sasakay sa mga kabayo nila. Hindi na namin tatawaging diyos ang mga ginawa ng aming kamay. Sa iyo lamang nakakasumpong ng awa ang mga ulila.” Sabi ni Yahweh, “Pagagalingin ko na sila sa kanilang kataksilan, mamahalin ko na sila nang walang katapusan, sapagkat napawi na ang galit ko sa kanila. Ako'y matutulad sa hamog na magpapasariwa sa Israel. Mamumulaklak siyang gaya ng liryo, at mag-uugat din siyang tulad ng sedar. Kanyang mga sanga ay darami, gaganda siyang tulad ng puno ng olibo, at hahalimuyak gaya ng kagubatan ng Lebanon. Magbabalik sila at maninirahan sa ilalim ng aking kanlungan. Sila'y yayabong na gaya ng isang halamanan, mamumulaklak na parang puno ng ubas, at ang bango'y tulad ng alak mula sa Lebanon. Efraim, lumayo ka na sa mga diyus-diyosan! Ako lamang ang tumutugon at nagbabantay sa iyo. Ako'y katulad ng sipres na laging luntian, at mula sa akin ang iyong mga bunga.” Unawain ng matalino ang mga bagay na ito, at dapat mabatid ng mga marunong. Matuwid ang mga kaparaanan ni Yahweh, at ang mabubuti'y doon lumalakad, ngunit nadarapa ang mga masuwayin.
Hosea 14:1-9 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sinabi ni Hoseas: “Mga taga-Israel, magbalik-loob na kayo sa PANGINOON na inyong Diyos. Napahamak kayo dahil sa inyong kasalanan. Magbalik-loob na kayo sa PANGINOON at sabihin ninyo sa kanya, ‘Patawarin nʼyo po kami sa aming mga kasalanan. Tanggapin nʼyo po kami ayon sa inyong kabutihan upang makapaghandog kami sa inyo ng pagpupuri. Hindi na kami hihingi ng tulong sa Asiria at hindi na rin kami aasa sa mga kabayong pandigma. Hindi na rin namin tatawagin na aming Diyos ang mga diyos-diyosang ginawa namin. Sapagkat kinaawaan nʼyo po kami na parang mga ulila.’ ” Sinabi ng PANGINOON, “Pagagalingin ko ang aking mga mamamayan mula sa kanilang pagkamasuwayin at taos-puso ko silang mamahalin. Sapagkat nawala na ang galit ko sa kanila. Pagpapalain ko ang mga taga-Israel; akoʼy magiging parang hamog sa kanila na nagbibigay ng tubig sa mga halaman. Sila ay lalago tulad ng liryong namumulaklak. Sila ay magiging matatag tulad ng puno ng sedro sa Lebanon na malalim ang ugat. Sila ay dadami na parang mga sangang nagkakadahon nang mayabong. Silaʼy magiging tanyag tulad ng magandang puno ng olibo at ng mabangong puno ng sedro ng Lebanon. Muli silang maninirahan na kinakalinga ko. Sila ay uunlad na parang trigong yumayabong o ubas na namumulaklak. At magiging tanyag sila na gaya ng alak ng Lebanon. “Mga taga-Israel, lumayo na kayo sa mga diyos-diyosan. Ako ang tutugon sa inyong mga dalangin at ako ang kakalinga sa inyo. Ipagtatanggol ko kayo; akoʼy magiging tulad ng mayabong na puno ng sipres, na magbibigay ng lilim. Ako ang nagpapaunlad sa inyo.” Nawaʼy malaman at maintindihan ng may pang-unawa ang mga nakasulat dito. Tama ang mga pamamaraan ng PANGINOON at sinusunod ito ng mga matuwid, ngunit nagiging katitisuran ito sa mga suwail.
Hosea 14:1-9 Ang Biblia (TLAB)
Oh Israel, manumbalik ka sa Panginoon mong Dios; sapagka't ikaw ay nabuwal dahil sa iyong kasamaan. Magpahayag kayo na may pagsisisi, at magsipanumbalik kayo sa Panginoon: sabihin ninyo sa kaniya, Alisin mo ang boong kasamaan, at tanggapin mo ang mabuti: sa gayo'y aming ilalagak na parang mga toro ang handog ng aming mga labi. Hindi kami ililigtas ng Asiria; kami ay hindi sasakay sa mga kabayo; ni magsasabi pa man kami sa gawa ng aming mga kamay, Kayo'y aming mga dios; sapagka't dahil sa iyo'y nakakasumpong ng kaawaan ang ulila. Aking gagamutin ang kanilang pagtalikod, akin silang iibiging may kalayaan; sapagka't ang aking galit ay humiwalay sa kaniya. Ako'y magiging parang hamog sa Israel: siya'y bubukang parang lila, at kakalat ang kaniyang ugat na parang Libano. Ang kaniyang mga sanga ay magsisiyabong, at ang kaniyang kagandahan ay magiging parang puno ng olibo, at ang kaniyang bango ay parang Libano. Silang nagsisitahan sa kaniyang lilim ay manunumbalik; sila'y mangabubuhay uling gaya ng trigo, at mangamumulaklak na gaya ng puno ng ubas: at ang amoy ay magiging gaya ng alak ng Libano. Sasabihin ng Ephraim, Ano pa ang aking gagawin sa mga dios-diosan? Ako'y sasagot, at aking hahalatain siya: ako'y parang sariwang abeto; mula sa akin ay nasusumpungan ang iyong bunga. Sino ang pantas, at siya'y makakaunawa ng mga bagay na ito? at mabait, at kaniyang mangalalaman? sapagka't ang mga daan ng Panginoon ay matutuwid, at lalakaran ng mga ganap; nguni't kabubuwalan ng mga mananalangsang.
Hosea 14:1-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Manumbalik ka Israel kay Yahweh na iyong Diyos. Ang pagbagsak mo ay bunga ng iyong kasamaan. Dalhin ninyo ang inyong kahilingan, lumapit kayo kay Yahweh; sabihin ninyo sa kanya, “Patawarin po ninyo kami. Kami'y iyong kahabagan, kami'y iyong tanggapin. Maghahandog kami sa iyo ng pagpupuri. Hindi kami kayang iligtas ng hukbo ng Asiria, hindi kami sasakay sa mga kabayo nila. Hindi na namin tatawaging diyos ang mga ginawa ng aming kamay. Sa iyo lamang nakakasumpong ng awa ang mga ulila.” Sabi ni Yahweh, “Pagagalingin ko na sila sa kanilang kataksilan, mamahalin ko na sila nang walang katapusan, sapagkat napawi na ang galit ko sa kanila. Ako'y matutulad sa hamog na magpapasariwa sa Israel. Mamumulaklak siyang gaya ng liryo, at mag-uugat din siyang tulad ng sedar. Kanyang mga sanga ay darami, gaganda siyang tulad ng puno ng olibo, at hahalimuyak gaya ng kagubatan ng Lebanon. Magbabalik sila at maninirahan sa ilalim ng aking kanlungan. Sila'y yayabong na gaya ng isang halamanan, mamumulaklak na parang puno ng ubas, at ang bango'y tulad ng alak mula sa Lebanon. Efraim, lumayo ka na sa mga diyus-diyosan! Ako lamang ang tumutugon at nagbabantay sa iyo. Ako'y katulad ng sipres na laging luntian, at mula sa akin ang iyong mga bunga.” Unawain ng matalino ang mga bagay na ito, at dapat mabatid ng mga marunong. Matuwid ang mga kaparaanan ni Yahweh, at ang mabubuti'y doon lumalakad, ngunit nadarapa ang mga masuwayin.
Hosea 14:1-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)