Hosea 14:1-3
Hosea 14:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Manumbalik ka Israel kay Yahweh na iyong Diyos. Ang pagbagsak mo ay bunga ng iyong kasamaan. Dalhin ninyo ang inyong kahilingan, lumapit kayo kay Yahweh; sabihin ninyo sa kanya, “Patawarin po ninyo kami. Kami'y iyong kahabagan, kami'y iyong tanggapin. Maghahandog kami sa iyo ng pagpupuri. Hindi kami kayang iligtas ng hukbo ng Asiria, hindi kami sasakay sa mga kabayo nila. Hindi na namin tatawaging diyos ang mga ginawa ng aming kamay. Sa iyo lamang nakakasumpong ng awa ang mga ulila.”
Hosea 14:1-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sinabi ni Hoseas: “Mga taga-Israel, magbalik-loob na kayo sa PANGINOON na inyong Diyos. Napahamak kayo dahil sa inyong kasalanan. Magbalik-loob na kayo sa PANGINOON at sabihin ninyo sa kanya, ‘Patawarin nʼyo po kami sa aming mga kasalanan. Tanggapin nʼyo po kami ayon sa inyong kabutihan upang makapaghandog kami sa inyo ng pagpupuri. Hindi na kami hihingi ng tulong sa Asiria at hindi na rin kami aasa sa mga kabayong pandigma. Hindi na rin namin tatawagin na aming Diyos ang mga diyos-diyosang ginawa namin. Sapagkat kinaawaan nʼyo po kami na parang mga ulila.’ ”
Hosea 14:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Oh Israel, manumbalik ka sa Panginoon mong Dios; sapagka't ikaw ay nabuwal dahil sa iyong kasamaan. Magpahayag kayo na may pagsisisi, at magsipanumbalik kayo sa Panginoon: sabihin ninyo sa kaniya, Alisin mo ang boong kasamaan, at tanggapin mo ang mabuti: sa gayo'y aming ilalagak na parang mga toro ang handog ng aming mga labi. Hindi kami ililigtas ng Asiria; kami ay hindi sasakay sa mga kabayo; ni magsasabi pa man kami sa gawa ng aming mga kamay, Kayo'y aming mga dios; sapagka't dahil sa iyo'y nakakasumpong ng kaawaan ang ulila.
Hosea 14:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Manumbalik ka Israel kay Yahweh na iyong Diyos. Ang pagbagsak mo ay bunga ng iyong kasamaan. Dalhin ninyo ang inyong kahilingan, lumapit kayo kay Yahweh; sabihin ninyo sa kanya, “Patawarin po ninyo kami. Kami'y iyong kahabagan, kami'y iyong tanggapin. Maghahandog kami sa iyo ng pagpupuri. Hindi kami kayang iligtas ng hukbo ng Asiria, hindi kami sasakay sa mga kabayo nila. Hindi na namin tatawaging diyos ang mga ginawa ng aming kamay. Sa iyo lamang nakakasumpong ng awa ang mga ulila.”
Hosea 14:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)