Hosea 12:2-4
Hosea 12:2-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
May paratang si Yahweh laban sa Juda. Paparusahan niya si Jacob ayon sa masama nitong pamumuhay, at gagantihan ayon sa kanyang mga gawa. Nang sila'y nasa sinapupunan pa, dinaya na ni Jacob ang kanyang kakambal, at nakipagbuno sa Diyos nang siya'y malaki na. Nakipagbuno siya sa anghel at nagwagi, umiyak siya at nakiusap na nawa'y pagpalain. Nakatagpo niya ang Diyos doon sa Bethel, at ito'y nakipag-usap sa kanya.
Hosea 12:2-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
May mga paratang ang PANGINOON laban kay Juda. Parurusahan niya ang lahi ni Jacob ayon sa kanilang mga asal; gagantihan niya sila ayon sa kanilang mga gawa. Noong si Jacob ay nasa sinapupunan pa lamang, nais na niyang lampasan ang kanyang kakambal. At noong lumaki na siya, nakipagbuno siya sa Diyos. Oo, nakipagbuno siya sa isang anghel, at nagtagumpay siya. Umiiyak siya habang nagmamakaawa pagpalain siya ng anghel. Nakita niya ang Diyos sa Betel, at doon nakipag-usap ang Diyos sa kanya.
Hosea 12:2-4 Ang Biblia (TLAB)
Ang Panginoon ay may pakikipagkaalit din sa Juda, at parurusahan niya ang Jacob ayon sa kaniyang mga lakad; ayon sa kaniyang mga gawa ay gagantihan niya siya. Sa bahay-bata ay kaniyang hinawakan sa sakong ang kaniyang kapatid; at sa kaniyang kabinataan ay nagtaglay ng kapangyarihan ng Dios: Oo, siya'y nagtaglay ng kapangyarihan sa anghel, at nanaig: siya'y tumangis, at namanhik sa kaniya: nasumpungan niya siya sa Beth-el, at doo'y nakipagsalitaan siya sa atin.
Hosea 12:2-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
May paratang si Yahweh laban sa Juda. Paparusahan niya si Jacob ayon sa masama nitong pamumuhay, at gagantihan ayon sa kanyang mga gawa. Nang sila'y nasa sinapupunan pa, dinaya na ni Jacob ang kanyang kakambal, at nakipagbuno sa Diyos nang siya'y malaki na. Nakipagbuno siya sa anghel at nagwagi, umiyak siya at nakiusap na nawa'y pagpalain. Nakatagpo niya ang Diyos doon sa Bethel, at ito'y nakipag-usap sa kanya.
Hosea 12:2-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)