Hosea 1:6
Hosea 1:6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Naglihing muli si Gomer at isang babae naman ang kanyang naging anak. Sabi ni Yahweh kay Hosea, “Tawagin mo siyang Lo-ruhama sapagkat hindi ko na kahahabagan ni patatawarin man ang Israel.
Hosea 1:6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Muling nabuntis si Gomer at nanganak ng isang babae. Sinabi ng PANGINOON kay Hoseas, “Lo Ruhama ang ipangalan mo sa bata, dahil hindi ko kahahabagan ni patatawarin ang mga mamamayan ng Israel.
Hosea 1:6 Ang Biblia (TLAB)
At siya'y naglihi uli, at nanganak ng isang babae. At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Lo-ruhama; sapagka't hindi na ako magdadalang habag sa sangbahayan ni Israel, na sa anoman ay hindi ko patatawarin sila.
Hosea 1:6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Naglihing muli si Gomer at isang babae naman ang kanyang naging anak. Sabi ni Yahweh kay Hosea, “Tawagin mo siyang Lo-ruhama sapagkat hindi ko na kahahabagan ni patatawarin man ang Israel.
Hosea 1:6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)