Hosea 1:1-2
Hosea 1:1-2 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ito ang salita ng PANGINOON na ipinahayag niya kay Hoseas na anak ni Beeri noong panahong magkakasunod na naging hari sa Juda sina Uzias, Jotam, Ahaz at Hezekias, habang naghahari naman sa Israel si Jeroboam na anak ni Jehoas. Nang unang magsalita ang PANGINOON sa pamamagitan ni Hoseas, sabi niya, “Mag-asawa ka ng babaeng bayaran, at magkaroon ng mga anak sa kanya. Sapagkat tulad ng babaeng bayaran, matindi ang pagtataksil ng bansang ito sa akin na kanilang PANGINOON nang talikuran nila ako.”
Hosea 1:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga pahayag ni Yahweh kay Hosea, na anak ni Beeri. Si Yahweh ay nagpahayag sa kanya noong panahon ng paghahari sa Juda nina Uzias, Jotam, Ahaz, at Hezekias. Si Jeroboam na anak ni Jehoas ang hari noon ng Israel. Nang unang mangusap si Yahweh sa Israel sa pamamagitan ni Hosea, sinabi niya, “Mag-asawa ka ng isang babaing nakikipagtalik sa iba-ibang mga lalaki. Magkaroon ka ng mga anak sa kanya. Sapagkat katulad din ng babaing iyan, ang mga tao sa lupaing ito ay nagtaksil sa akin.”

Hosea 1:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Ang salita ng Panginoon na dumating kay Oseas na anak ni Beeri, nang mga kaarawan ni Uzias, ni Jotam, ni Ahaz, at ni Ezechias, na mga hari sa Juda, at nang mga kaarawan ni Jeroboam na anak ni Joas, na hari sa Israel. Nang unang magsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni Oseas, sinabi ng Panginoon kay Oseas, Yumaon ka, magasawa ka sa isang patutot at mga anak sa patutot; sapagka't ang lupain ay gumagawa ng malaking pagpapatutot, na humihiwalay sa Panginoon.
Hosea 1:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang aklat na ito ay naglalaman ng mga pahayag ni Yahweh kay Hosea, na anak ni Beeri. Si Yahweh ay nagpahayag sa kanya noong panahon ng paghahari sa Juda nina Uzias, Jotam, Ahaz, at Hezekias. Si Jeroboam na anak ni Jehoas ang hari noon ng Israel. Nang unang mangusap si Yahweh sa Israel sa pamamagitan ni Hosea, sinabi niya, “Mag-asawa ka ng isang babaing nakikipagtalik sa iba-ibang mga lalaki. Magkaroon ka ng mga anak sa kanya. Sapagkat katulad din ng babaing iyan, ang mga tao sa lupaing ito ay nagtaksil sa akin.”
Hosea 1:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)