Mga Hebreo 9:28
Mga Hebreo 9:28 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Gayundin naman, si Cristo'y minsang inihandog upang pawiin ang mga kasalanan ng mga tao. Siya'y muling darating, hindi upang muling ihandog dahil sa kasalanan, kundi upang iligtas ang mga naghihintay sa kanya.
Mga Hebreo 9:28 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ganoon din naman, minsan lang namatay si Kristo nang inihandog niya ang kanyang sarili upang alisin ang kasalanan ng mga tao. At muli siyang babalik dito sa mundo, hindi na upang akuing muli ang kasalanan ng mga tao, kundi upang iligtas ang mga taong naghihintay sa kanya.
Mga Hebreo 9:28 Ang Biblia (TLAB)
Ay gayon din naman si Cristo, na inihandog na minsan upang dalhin ang mga kasalanan ng marami, sa ikalawa'y pakikita na hiwalay sa kasalanan, sa ikaliligtas ng mga nagsisipaghintay sa kaniya.
Mga Hebreo 9:28 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)