Mga Hebreo 6:4-6
Mga Hebreo 6:4-6 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't tungkol sa mga minsang naliwanagan at nakalasap ng kaloob ng kalangitan, at mga nakabahagi ng Espiritu Santo, At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan ng panahong darating, At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan.
Mga Hebreo 6:4-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sapagkat paano pang magsisisi at manunumbalik ang mga tumalikod na sa kanilang pananampalataya? Dati'y naliwanagan na sila, nakalasap ng makalangit na kaloob at naging kabilang sa mga tumanggap ng Espiritu Santo. Nakalasap na rin sila ng kabutihan ng Salita ng Diyos, at nakadama ng kapangyarihan ng Diyos na lubusang mahahayag sa panahong darating. Kapag sila'y tumalikod pagkatapos malasap ang lahat, hindi na sila maaari pang maakay sa pagsisisi at mapanumbalik sapagkat muli nilang ipinapako sa krus at inilalantad sa kahihiyan ang Anak ng Diyos.
Mga Hebreo 6:4-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sapagkat hindi na muling mapapagsisi at mapapanumbalik sa Diyos ang mga tumalikod sa kanilang pananampalataya. Nooʼy naliwanagan na ang kanilang isip, naranasan nila ang mga biyaya mula sa langit, at silaʼy naging bahagi ng mga tumanggap sa Banal na Espiritu. Naranasan rin nila ang kabutihang dulot ng salita ng Diyos, at nadama ang kapangyarihang ihahayag sa huling araw. Ngunit sa kabila nitoʼy tinalikuran nila ang Diyos. Ang mga ganyang tao ay imposible nang makapagsisi pa at tumalikod sa kanilang mga kasalanan; sapagkat sa pagtalikod nila sa Diyos ay para na rin nilang ipinakong muli ang Anak ng Diyos sa krus at inilagay sa kahihiyan.
Mga Hebreo 6:4-6 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't tungkol sa mga minsang naliwanagan at nakalasap ng kaloob ng kalangitan, at mga nakabahagi ng Espiritu Santo, At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan ng panahong darating, At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan.
Mga Hebreo 6:4-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sapagkat paano pang magsisisi at manunumbalik ang mga tumalikod na sa kanilang pananampalataya? Dati'y naliwanagan na sila, nakalasap ng makalangit na kaloob at naging kabilang sa mga tumanggap ng Espiritu Santo. Nakalasap na rin sila ng kabutihan ng Salita ng Diyos, at nakadama ng kapangyarihan ng Diyos na lubusang mahahayag sa panahong darating. Kapag sila'y tumalikod pagkatapos malasap ang lahat, hindi na sila maaari pang maakay sa pagsisisi at mapanumbalik sapagkat muli nilang ipinapako sa krus at inilalantad sa kahihiyan ang Anak ng Diyos.
Mga Hebreo 6:4-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)