Mga Hebreo 5:12-13
Mga Hebreo 5:12-13 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dapat sana'y mga tagapagturo na kayo, subalit hanggang ngayo'y kailangan pa kayong turuan ng mga panimulang aralin tungkol sa mga Salita ng Diyos. Dapat sana'y kumakain na kayo ng matigas na pagkain ngunit hanggang ngayon, gatas pa lamang ang inyong kaya. Ang sanggol pa ay nabubuhay sa gatas at kulang pa ang kaalaman sa salita ng katuwiran.
Mga Hebreo 5:12-13 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Dapat sanaʼy mga tagapagturo na kayo ngayon dahil matagal na kayo sa pananampalataya, ngunit hanggang ngayoʼy kailangan pa kayong turuan ng mga panimulang aralin tungkol sa salita ng Diyos. Katulad pa rin kayo ng mga sanggol na nangangailangan ng gatas dahil hindi pa ninyo kaya ang matigas na pagkain. Sapagkat ang taong sa gatas nabubuhay ay tulad ng sanggol na hindi alam kung paano mamuhay nang matuwid.
Mga Hebreo 5:12-13 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't nang kayo'y nangararapat nang maging mga guro dahil sa kaluwatan, ay muling kayo'y nangangailangan na kayo'y turuan ninoman ng mga unang simulain ng aral ng Dios; at naging tulad sa mga nangangailangan ng gatas, at hindi ng pagkaing matigas. Sapagka't bawa't tumatanggap ng gatas ay walang karanasan sa salita ng katuwiran; sapagka't siya'y isang sanggol.
Mga Hebreo 5:12-13 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Dapat sana'y mga tagapagturo na kayo, subalit hanggang ngayo'y kailangan pa kayong turuan ng mga panimulang aralin tungkol sa mga Salita ng Diyos. Dapat sana'y kumakain na kayo ng matigas na pagkain ngunit hanggang ngayon, gatas pa lamang ang inyong kaya. Ang sanggol pa ay nabubuhay sa gatas at kulang pa ang kaalaman sa salita ng katuwiran.
Mga Hebreo 5:12-13 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)