Mga Hebreo 5:1-4
Mga Hebreo 5:1-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ang bawat punong pari ay pinili upang magsilbing kinatawan ng mga tao tungkol sa mga bagay na may kaugnayan sa Diyos. Tungkulin niyang mag-alay ng mga kaloob at handog para sa kasalanan. Siya ay mahinahong nakikitungo sa mga taong walang alam at naliligaw ng landas dahil tao rin siyang may mga kahinaan. Ito ang dahilan kung bakit kailangan niyang maghandog para sa kanyang kasalanan at para na rin sa kasalanan ng mga tao. Hindi maaaring makamtan ninuman sa sarili niyang kagustuhan ang karangalan ng pagiging punong pari, sapagkat ang Diyos mismo ang humihirang sa magiging punong pari, tulad ng pagkahirang kay Aaron.
Mga Hebreo 5:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang bawat pinakapunong pari ay pinili mula sa mga tao at inilagay sa ganoong tungkulin upang maglingkod sa Diyos para sa mga tao. Siya ang nag-aalay ng mga kaloob at mga handog para mapatawad ang mga kasalanan. Nadarama niya ang kahinaan ng mga mangmang at ng mga naliligaw ng landas sapagkat siya'y mahina ring tulad nila. At dahil sa kanyang kahinaan, kinakailangang siya'y mag-alay ng handog, hindi lamang para sa kasalanan ng iba, kundi para sa kanya ring mga kasalanan. Ang karangalan ng pagiging pinakapunong pari ay hindi maaaring makamtan ninuman sa kanyang sariling kagustuhan. Ang Diyos ang pumipili sa kanya, tulad ng pagkapili kay Aaron.

Mga Hebreo 5:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't ang bawa't dakilang saserdote palibhasa'y hinugot sa mga tao, ay inilagay dahil sa mga tao sa mga bagay na nauukol sa Dios, upang siya'y makapaghandog ng mga kaloob at mga hain namang patungkol sa mga kasalanan: Na makapagtitiis na may kaamuan sa mga di nakaaalam at nangamamali, yamang siya rin naman ay nalilibid ng kahinaan; At dahil dito'y nararapat siyang maghandog dahil sa mga kasalanan, at hindi lamang patungkol sa mga tao, kundi naman sa kaniyang sarili. At sinoman ay hindi tumatanggap sa kaniyang sarili ng karangalang ito, liban na kung tawagin siya ng Dios, na gaya ni Aaron.
Mga Hebreo 5:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang bawat pinakapunong pari ay pinili mula sa mga tao at inilagay sa ganoong tungkulin upang maglingkod sa Diyos para sa mga tao. Siya ang nag-aalay ng mga kaloob at mga handog para mapatawad ang mga kasalanan. Nadarama niya ang kahinaan ng mga mangmang at ng mga naliligaw ng landas sapagkat siya'y mahina ring tulad nila. At dahil sa kanyang kahinaan, kinakailangang siya'y mag-alay ng handog, hindi lamang para sa kasalanan ng iba, kundi para sa kanya ring mga kasalanan. Ang karangalan ng pagiging pinakapunong pari ay hindi maaaring makamtan ninuman sa kanyang sariling kagustuhan. Ang Diyos ang pumipili sa kanya, tulad ng pagkapili kay Aaron.
Mga Hebreo 5:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)