Mga Hebreo 11:17-19
Mga Hebreo 11:17-19 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang subukin ng Diyos si Abraham, pananampalataya din ang nag-udyok sa kanya na ialay si Isaac bilang handog sa Diyos. Buong puso niyang inihandog ang kaisa-isa niyang anak, gayong ipinangako sa kanya ng Diyos na kay Isaac magmumula ang magiging lahi niya. Naniwala siya na kaya ng Diyos na bumuhay ng patay, kaya't sa patalinhagang pangungusap, naibalik nga sa kanya si Isaac mula sa mga patay.
Mga Hebreo 11:17-19 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Dahil sa pananampalataya, handang ihandog ni Abraham ang kaisa-isa niyang anak na si Isaac nang subukin siya ng Diyos. Kahit na alam niyang si Isaac ang ipinangako ng Diyos na pagmumulan ng kanyang lahi, handa pa rin niya itong ialay. Sapagkat nanalig si Abraham na kung mamamatay si Isaac, muli siyang bubuhayin ng Diyos. At ganoon nga ang nangyari; parang bumalik sa kanya si Isaac mula sa kamatayan.
Mga Hebreo 11:17-19 Ang Biblia (TLAB)
Sa pananampalataya, nang subukin si Abraham, ay inihandog si Isaac: oo, siyang tumanggap na may galak ng mga pangako ay siyang naghandog sa kaniyang bugtong na anak; Sa makatuwid baga'y yaong pinagsabihan, Kay Isaac ay tatawagin ang iyong binhi: Na inisip na maging sa gitna ng mga patay ay maaaring buhayin siyang maguli ng Dios; mula diyan din naman ay muli siyang tinanggap sa isang halimbawa.
Mga Hebreo 11:17-19 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang subukin ng Diyos si Abraham, pananampalataya din ang nag-udyok sa kanya na ialay si Isaac bilang handog sa Diyos. Buong puso niyang inihandog ang kaisa-isa niyang anak, gayong ipinangako sa kanya ng Diyos na kay Isaac magmumula ang magiging lahi niya. Naniwala siya na kaya ng Diyos na bumuhay ng patay, kaya't sa patalinhagang pangungusap, naibalik nga sa kanya si Isaac mula sa mga patay.
Mga Hebreo 11:17-19 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)