Mga Hebreo 10:6
Mga Hebreo 10:5-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dahil diyan, nang si Cristo'y naparito sa daigdig, sinabi niya sa Diyos: “Ang mga pang-alay, pati mga handog, at ang mga hayop na handang sunugin, hindi mo na ibig sa dambana dalhin, hindi mo kinalugdan ang mga handog na sinusunog, at ang mga handog upang pawiin ang kasalanan. Kaya't inihanda mo ang aking katawan upang maging handog.
Mga Hebreo 10:6 Ang Salita ng Dios (ASND)
Hindi ka nasiyahan sa mga handog na sinusunog at mga handog sa paglilinis.
Mga Hebreo 10:6 Ang Biblia (TLAB)
Sa mga handog na susunugin at mga haing patungkol sa mga kasalanan ay hindi ka nalugod.
Mga Hebreo 10:5-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)