Hagai 1:8-9
Hagai 1:8-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Hindi ako nasisiyahan sa mga ginagawa ninyo. Kaya pumunta kayo sa kagubatan at kumuha ng mga trosong gagamitin sa muling pagtatayo ng Templo upang ako ay masiyahan at doon ay mabigyan ng karangalan.” “Umasa kayong aani ng masagana ngunit kayo'y nabigo. At ang kaunting ani na iniuwi ninyo ay akin pang isinambulat. Ginawa ko iyan sa inyo sapagkat abalang-abala kayo sa pagpapaganda ng inyong mga bahay samantalang ang Templo na aking tahanan ay pinababayaan ninyong wasak.
Hagai 1:8-9 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ngayon, umakyat kayo sa bundok at kumuha ng mga kahoy, at itayo ninyong muli ang tahanan. Sa ganitong paraan, masisiyahan ako at mapaparangalan,” sabi ng PANGINOON. “Saganang ani ang inyong inaasahan, subalit ang inyong naani ay kakaunti lamang. At nang iuwi ninyo ito, ikinalat ko pa ito. Bakit, sabi ninyo? Sapagkat wasak ang aking tahanan habang lahat kayo ay abala sa sarili ninyong mga bahay,” sabi ng PANGINOON ng mga Hukbo.
Hagai 1:8-9 Ang Biblia (TLAB)
Magsiahon kayo sa bundok, at mangagdala ng kahoy, at mangagtayo kayo ng bahay; at aking kalulugdan, at ako'y luluwalhati, sabi ng Panginoon. Kayo'y nangaghintay ng marami, at, narito, ang dumating ay kaunti; at nang inyong dalhin sa bahay, aking hinipan. Bakit? sabi ng Panginoon ng mga hukbo. Dahil sa ang aking bahay ay nahahandusay na wasak, samantalang tumatakbo bawa't isa sa inyo sa kanikaniyang sariling bahay.
Hagai 1:8-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Hindi ako nasisiyahan sa mga ginagawa ninyo. Kaya pumunta kayo sa kagubatan at kumuha ng mga trosong gagamitin sa muling pagtatayo ng Templo upang ako ay masiyahan at doon ay mabigyan ng karangalan.” “Umasa kayong aani ng masagana ngunit kayo'y nabigo. At ang kaunting ani na iniuwi ninyo ay akin pang isinambulat. Ginawa ko iyan sa inyo sapagkat abalang-abala kayo sa pagpapaganda ng inyong mga bahay samantalang ang Templo na aking tahanan ay pinababayaan ninyong wasak.
Hagai 1:8-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)