Hagai 1:5-6
Hagai 1:5-6 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Hindi ba ninyo napapansin ang mga nangyayari sa inyo? Marami na kayong naihasik ngunit kaunti lamang ang inyong ani. May mga pagkain nga kayo ngunit kakaunti naman at hindi makabusog. May alak nga kayong naiinom ngunit hindi naman sapat upang magbigay kasiyahan. May damit nga kayong naisusuot ngunit giniginaw pa rin kayo sa taglamig. Kumikita nga ang manggagawa ngunit kinukulang pa rin siya.
Hagai 1:5-6 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ito ang sinasabi ng PANGINOONG Makapangyarihan: “Pag-isipan ninyo ang mga nangyayari sa inyo. Marami kayong inihasik, ngunit kakaunti ang inyong ani. May pagkain nga kayo, ngunit kulang. May inumin nga kayo, pero hindi rin sapat. May damit nga kayo, ngunit giniginaw pa rin. At may tinatanggap kayong suweldo, ngunit parang butas ang pitakang pinaglalagyan ninyo nito.”
Hagai 1:5-6 Ang Biblia (TLAB)
Ngayon nga'y ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo, Gunitain ninyo ang inyong mga lakad. Kayo'y nangaghasik ng marami, at nagsisiani ng kaunti; kayo'y nagsisikain, nguni't hindi kayo nagkaroon ng kahustuhan; kayo'y nagsisiinom, nguni't hindi kayo nangapapatirang-uhaw; kayo'y nangananamit, nguni't walang mainit; at yaong kumikita ng mga pinagarawan ay kumikita ng mga pinagarawan upang ilagay sa supot na may mga butas.
Hagai 1:5-6 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Hindi ba ninyo napapansin ang mga nangyayari sa inyo? Marami na kayong naihasik ngunit kaunti lamang ang inyong ani. May mga pagkain nga kayo ngunit kakaunti naman at hindi makabusog. May alak nga kayong naiinom ngunit hindi naman sapat upang magbigay kasiyahan. May damit nga kayong naisusuot ngunit giniginaw pa rin kayo sa taglamig. Kumikita nga ang manggagawa ngunit kinukulang pa rin siya.
Hagai 1:5-6 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)