Habakuk 3:1-19
Habakuk 3:1-19 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ito ay panalangin ni Propeta Habakuk: O Yahweh, narinig ko ang tungkol sa inyong ginawa, at ako'y lubos na humanga. Ulitin ninyo ngayon sa aming panahon ang mga dakilang bagay na ginawa ninyo noon. Maging mahabagin kayo, kahit kapag kayo'y nagagalit. Ang Diyos ay muling nanggaling sa Teman, ang Banal na Diyos ay nagmula sa kaparangan ng Paran. Laganap sa kalangitan ang kanyang kaluwalhatian, at puno ang lupa ng papuri sa kanya. Darating siyang sinliwanag ng kidlat, na gumuguhit mula sa kanyang kamay; at doon natatago ang kanyang kapangyarihan. Nagpapadala siya ng karamdaman at inuutusan ang kamatayan upang sumunod sa kanya. Huminto siya at nayanig ang lupa; sa kanyang sulyap ay nanginginig ang mga bansa. Ang mga walang hanggang bundok ay sumasambulat; ang walang hanggang kaburulan ay lumulubog— mga daang nilakaran niya noong unang panahon. Nakita kong natakot ang mga tao sa Cusan, at nanginig ang lahat sa lupain ng Midian. Nagagalit ba kayo dahil sa mga ilog, O Yahweh? Ang mga dagat ba ang sanhi ng inyong poot? Nakasakay kayo sa inyong mga kabayo, at magtatagumpay na lulan ng iyong karwahe, habang pinagtatagumpay ninyo ang inyong bayan. Binunot ninyo sa suksukan ang inyong pana, at inihanda ang inyong mga palaso. Biniyak ng inyong kidlat ang lupa. Nakita kayo ng mga bundok at sila'y nanginig; bumuhos ang malakas na ulan. Umapaw ang tubig mula sa kalaliman, at tumaas ang along naglalakihan. Ang araw at ang buwan ay huminto dahil sa bilis ng inyong pana at sibat. Galit na galit kayong naglakad sa buong daigdig, at sa tindi ng poot ninyo, ang mga bansa ay niyurakan. Lumabas kayo para iligtas ang inyong bayan, at ang haring pinili ninyo. Dinurog ninyo ang pinuno ng masasama, at nilipol na lahat ang kanyang tagasunod. Sinibat ninyo ang pinuno ng mga mandirigma, nang dumating sila na parang ipu-ipo upang kami'y pangalatin. Kagalakan nilang sakmalin nang palihim ang mga dukha. Niyurakan ninyo ang dagat sa pamamagitan ng inyong mga kabayo, at bumula ang malawak na karagatan. Narinig kong lahat ito at ako'y nanginig; nangatal ang aking mga labi dahil sa takot. Nanghina ang aking katawan, at ako'y nalugmok. Tahimik kong hihintayin ang takdang panahon ng pagpaparusa ng Diyos sa mga umapi sa amin. Bagama't di namumunga ang puno ng igos at hindi rin namumunga ang mga ubas, kahit na maantala ang pamumunga ng olibo at walang anihin sa mga bukirin, kahit na mamatay lahat ang mga tupa at mawala ang mga baka sa kulungan, magagalak pa rin ako at magsasaya, dahil si Yahweh ang Diyos na magliligtas sa akin. Ang Panginoong Yahweh ang sa aki'y nagpapalakas. Tulad ng usa, tiyak ang aking mga hakbang, inaalalayan niya ako sa mga kabundukan.
Habakuk 3:1-19 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ito ang panalangin ni Propeta Habakuk: PANGINOON, narinig ko po ang tungkol sa inyong mga ginawa, at ako ay lubos na humanga sa inyo. Gawin ninyong muli sa aming panahon ang ginawa ninyo noon. At sa araw na ipadama ninyo ang inyong galit, maawa kayo sa amin. Ikaw ang Diyos na dumating mula sa Teman, ang Banal na Diyos mula sa Bundok ng Paran. Tinatakpan ang langit ng inyong kadakilaan at napupuno ang lupa ng mga papuri sa iyo. Darating kayong kasinliwanag ng araw; may sinag na lumalabas sa inyong mga kamay kung saan nakatago ang inyong kapangyarihan. Darating kayong may dalang mga salot. Kapag tumayo kayo ay nayayanig ang mundo, at kapag tumingin kayo ay nanginginig sa takot ang mga bansa at gumuguho ang sinaunang kabundukan at kaburulan. Ang inyong mga pamamaraan ay mananatili magpakailanman. Nakita ko ang mga tolda ng Cushan na nasa panganib, at ang mga tahanan sa Midian na naghihinagpis. PANGINOON, sino ba ang inyong kinapopootan? Ang mga ilog ba at ang mga dagat? Sinalakay ninyo sila gamit ang inyong mga kabayo at mga karwahe na nagbigay sa inyo nang tagumpay. Kinuha ninyo ang inyong pana sa lalagyan niya, inihanda ninyo ang inyong mga palaso. Biniyak ninyo ang lupang may mga ilog. Ang mga bundok ay nanginig nang kayoʼy kanilang magisnan. Patuloy na umagos ang matinding baha; umugong nang malakas ang dagat at nilakihan ang kanyang mga alon. Tumigil ang araw at ang buwan sa kanilang kinaroroonan sa kislap ng nagliliparan ninyong pana at kumikinang ninyong sibat. Sa inyong matinding galit ay tinapakan nʼyo ang mundo at niyurakan ang mga bansa. Dumating kayo upang iligtas ang inyong mga tao, at makaiwas sa kapahamakan ang inyong hinirang. Pinuksa ninyo ang pinuno ng kahariang napakasama, at lubusang nilipol ang lahat ng kanyang tagasunod. Tinuhog nʼyo ng sarili niyang sibat ang ulo ng pinuno ng kanyang mga kawal, nang salakayin kami ng kanyang mga mandirigma upang kami ay ikalat. Ikinagagalak nilang lipulin kaming mga kawawang nagtatago sa takot. Para kayong sundalo na nakasakay sa kabayong nagtatatakbo sa karagatan hanggang sa lumaki ang mga alon. Nang marinig ko ang lahat ng ito, nanginig ang aking buong katawan at nangatal ang aking mga labi dahil sa takot. Nanghina ako at nangatog ang aking mga tuhod. At dahil sa ipinahayag na ito ng PANGINOON, matiyaga kong hihintayin ang takdang panahon ng pagpaparusa niya sa mga sumalakay sa amin. Kahit hindi mamunga ang mga puno ng igos, ubas, o ang kahoy ng olibo, at kahit walang anihín sa mga bukirin, at kahit mamatay ang mga alagang hayop sa kanilang mga kulungan, magagalak pa rin ako sapagkat ang PANGINOONG Diyos ang nagliligtas sa akin. Ang Makapangyarihang PANGINOON ang nagbibigay sa akin ng kalakasan. Pinalalakas niya ang aking mga paa na tulad ng mga paa ng usa, upang makaakyat ako sa matataas na lugar.
Habakuk 3:1-19 Ang Biblia (TLAB)
Panalangin ni Habacuc na propeta, itinugma sa Sigionoth. Oh Panginoon, aking narinig ang kagitingan mo, at ako'y natatakot: Oh Panginoon, buhayin mo ang iyong gawa sa gitna ng mga taon; Sa gitna ng mga taon ay iyong ipabatid; Sa kapootan ay alalahanin mo ang kaawaan. Ang Dios ay nanggaling mula sa Tema, At ang Banal ay mula sa bundok ng Paran. (Selah) Ang kaniyang kaluwalhatia'y tumakip sa langit. At ang lupa'y napuno ng kaniyang kapurihan. At ang kaniyang ningning ay parang liwanag; Siya'y may mga sinag na nagbubuhat sa kaniyang kamay; At doo'y nakukubli ang kaniyang kapangyarihan. Sa unahan niya'y nagpapauna ang salot, At nagniningas na baga ang lumalabas sa kaniyang mga paa. Siya'y tumayo, at sinukat ang lupa; Siya'y tumingin, at pinaghiwalay ang mga bansa; At ang mga walang hanggang bundok ay nangalat; Ang mga burol na walang hanggan ay nagsiyukod; Ang kaniyang mga lakad ay gaya noong araw. Nakita ko ang mga tolda sa Cushan sa pagdadalamhati; Ang mga tabing ng lupain ng Madian ay nanginig. Kinasasamaan baga ng loob ng Panginoon ang mga ilog? Ang iyo bagang galit ay laban sa mga ilog, O ang iyo bagang poot ay laban sa dagat, Na ikaw ay sumakay sa iyong mga kabayo, Sa iyong mga karo ng kaligasan? Ang iyong busog ay nahubarang lubos; Ang mga panunumpa sa mga lipi ay tunay na salita. (Selah) Iyong pinuwangan ng mga ilog ang lupa. Ang mga bundok ay nangakakita sa iyo, at nangatakot; Ang unos ng tubig ay dumaan: Inilakas ng kalaliman ang kaniyang tinig, At itinaas ang kaniyang mga kamay sa itaas. Ang araw at buwan ay tumigil sa kanilang tahanan, Sa liwanag ng iyong mga pana habang sila'y nagsisiyaon, Sa kislap ng iyong makinang na sibat. Ikaw ay lumakad sa mga lupain sa pagkagalit; Iyong giniik ang mga bansa sa galit. Ikaw ay lumabas sa ikaliligtas ng iyong bayan, Sa ikaliligtas ng iyong pinahiran ng langis; Iyong sinugatan ang pangulo ng bahay ng masama, Na inililitaw ang patibayan hanggang sa leeg. (Selah) Iyong mga pinalagpasan ng kaniyang sariling mga sibat ang ulo ng kaniyang mga mangdidigma: Sila'y nagsiparitong parang ipoipo upang pangalatin ako; Ang kanilang kagalakan ay sakmaling lihim ang dukha. Ikaw ay nagdaan sa dagat sa iyong mga kabayo. Sa bunton ng makapangyarihang tubig. Aking narinig, at ang aking katawan ay nanginginig, Ang aking mga labi ay nangatal sa tinig; kabuluka'y pumapasok sa aking mga buto, at ako'y nanginginig sa aking dako; Sapagka't ako'y kailangang magtiis sa kaarawan ng kabagabagan, Sa pagsampa ng bayan na lumulusob sa atin. Sapagka't bagama't ang puno ng igos ay hindi namumulaklak, Ni magkakaroon man ng bunga sa mga puno ng ubas; Ang bunga ng olibo ay maglilikat. At ang mga bukid ay hindi magbibigay ng pagkain; Ang kawan ay mahihiwalay sa kulungan, At hindi na magkakaroon ng bakahan sa mga silungan: Gayon ma'y magagalak ako sa Panginoon, Ako'y magagalak sa Dios ng aking kaligtasan. Si Jehova, na Panginoon, siyang aking lakas; At ginagawa niya ang aking mga paa na gaya ng sa mga usa. At ako'y palalakarin niya sa aking mga mataas na dako. Sa Pangulong Manunugtog, sa aking mga panugtog na kawad.
Habakuk 3:1-19 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ito ay panalangin ni Propeta Habakuk: O Yahweh, narinig ko ang tungkol sa inyong ginawa, at ako'y lubos na humanga. Ulitin ninyo ngayon sa aming panahon ang mga dakilang bagay na ginawa ninyo noon. Maging mahabagin kayo, kahit kapag kayo'y nagagalit. Ang Diyos ay muling nanggaling sa Teman, ang Banal na Diyos ay nagmula sa kaparangan ng Paran. Laganap sa kalangitan ang kanyang kaluwalhatian, at puno ang lupa ng papuri sa kanya. Darating siyang sinliwanag ng kidlat, na gumuguhit mula sa kanyang kamay; at doon natatago ang kanyang kapangyarihan. Nagpapadala siya ng karamdaman at inuutusan ang kamatayan upang sumunod sa kanya. Huminto siya at nayanig ang lupa; sa kanyang sulyap ay nanginginig ang mga bansa. Ang mga walang hanggang bundok ay sumasambulat; ang walang hanggang kaburulan ay lumulubog— mga daang nilakaran niya noong unang panahon. Nakita kong natakot ang mga tao sa Cusan, at nanginig ang lahat sa lupain ng Midian. Nagagalit ba kayo dahil sa mga ilog, O Yahweh? Ang mga dagat ba ang sanhi ng inyong poot? Nakasakay kayo sa inyong mga kabayo, at magtatagumpay na lulan ng iyong karwahe, habang pinagtatagumpay ninyo ang inyong bayan. Binunot ninyo sa suksukan ang inyong pana, at inihanda ang inyong mga palaso. Biniyak ng inyong kidlat ang lupa. Nakita kayo ng mga bundok at sila'y nanginig; bumuhos ang malakas na ulan. Umapaw ang tubig mula sa kalaliman, at tumaas ang along naglalakihan. Ang araw at ang buwan ay huminto dahil sa bilis ng inyong pana at sibat. Galit na galit kayong naglakad sa buong daigdig, at sa tindi ng poot ninyo, ang mga bansa ay niyurakan. Lumabas kayo para iligtas ang inyong bayan, at ang haring pinili ninyo. Dinurog ninyo ang pinuno ng masasama, at nilipol na lahat ang kanyang tagasunod. Sinibat ninyo ang pinuno ng mga mandirigma, nang dumating sila na parang ipu-ipo upang kami'y pangalatin. Kagalakan nilang sakmalin nang palihim ang mga dukha. Niyurakan ninyo ang dagat sa pamamagitan ng inyong mga kabayo, at bumula ang malawak na karagatan. Narinig kong lahat ito at ako'y nanginig; nangatal ang aking mga labi dahil sa takot. Nanghina ang aking katawan, at ako'y nalugmok. Tahimik kong hihintayin ang takdang panahon ng pagpaparusa ng Diyos sa mga umapi sa amin. Bagama't di namumunga ang puno ng igos at hindi rin namumunga ang mga ubas, kahit na maantala ang pamumunga ng olibo at walang anihin sa mga bukirin, kahit na mamatay lahat ang mga tupa at mawala ang mga baka sa kulungan, magagalak pa rin ako at magsasaya, dahil si Yahweh ang Diyos na magliligtas sa akin. Ang Panginoong Yahweh ang sa aki'y nagpapalakas. Tulad ng usa, tiyak ang aking mga hakbang, inaalalayan niya ako sa mga kabundukan.
Habakuk 3:1-19 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)