Habakuk 1:1-3
Habakuk 1:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang aklat na ito ay naglalaman ng pahayag ni Yahweh sa pamamagitan ni Propeta Habakuk. O Yahweh, hanggang kailan ako hihingi ng tulong sa inyo, bago ninyo ako dinggin, bago ninyo ako iligtas sa karahasan? Bakit puro kaguluhan at kasamaan ang ipinapakita mo sa akin? Sa magkabi-kabila'y nagaganap ang pagwasak at ang karahasan; laganap ang karahasan at ang labanan.
Habakuk 1:1-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ito ay isang propesiya na ipinahayag kay Propeta Habakuk. Sinabi ni Habakuk, “PANGINOON, hanggang kailan po ako hihingi ng tulong sa inyo bago nʼyo ako dinggin? Kailan nʼyo po ba kami ililigtas sa mga karahasang ito? Bakit nʼyo po ipinapakita sa akin ang mga kasamaan at kaguluhan? Kahit saan ay nakikita ko ang patayan, karahasan, hidwaan at pagtatalo.
Habakuk 1:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Ang hula na nakita ni Habacuc na propeta. Oh Panginoon, hanggang kailan dadaing ako, at hindi mo didinggin? Ako'y dadaing sa iyo dahil sa pangdadahas, at hindi ka magliligtas. Bakit pinagpapakitaan mo ako ng kasamaan, at iyong pinamamasdan ang kasamaan? sapagka't ang kasiraan at pangdadahas ay nasa harap ko; at may pakikipagalit, at pagtatalong bumabangon.
Habakuk 1:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang aklat na ito ay naglalaman ng pahayag ni Yahweh sa pamamagitan ni Propeta Habakuk. O Yahweh, hanggang kailan ako hihingi ng tulong sa inyo, bago ninyo ako dinggin, bago ninyo ako iligtas sa karahasan? Bakit puro kaguluhan at kasamaan ang ipinapakita mo sa akin? Sa magkabi-kabila'y nagaganap ang pagwasak at ang karahasan; laganap ang karahasan at ang labanan.
Habakuk 1:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)