Genesis 9:20-29
Genesis 9:20-29 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Si Noe ay isang magsasaka at siya ang kauna-unahang nagbukid ng ubasan. Minsan, uminom siya ng alak at nalasing. Nakatulog siyang hubad na hubad sa loob ng kanyang tolda. Sa gayong ayos, nakita siya ni Ham ang ama ni Canaan at ibinalita ito sa kanyang mga kapatid. Kaya't kumuha sina Shem at Jafet ng balabal, iniladlad sa likuran nila at magkatuwang na lumakad nang patalikod patungo sa tolda. Tinakpan nila ang katawan ng kanilang ama. Ayaw nilang makita ang kahubaran ng kanilang ama. Nang mawala na ang kalasingan ni Noe, at malaman ang ginawa ng bunsong anak, sinabi niya: “O ikaw, Canaan, ngayo'y susumpain, sa mga kapatid mo ika'y paaalipin.” Sinabi rin niya, “Purihin si Yahweh, ang Diyos ni Shem, itong si Canaa'y maglilingkod kay Shem. Palawakin nawa ng Diyos ang lupain ni Jafet. Sa lahi ni Shem, sila'y mapipisan, at paglilingkuran si Jafet nitong si Canaan.” Si Noe ay nabuhay pa nang 350 taon pagkatapos ng baha, kaya't umabot siya sa gulang na 950 taon bago namatay.
Genesis 9:20-29 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Pagkatapos ng baha, nagpatuloy si Noe sa pagsasaka at nagkaroon siya ng ubasan. Isang araw, uminom siya ng alak, at nalasing. Nakatulog siyang hubad sa loob ng kanyang tolda. Ngayon, si Ham na ama ni Canaan ay pumasok sa tolda, at nakita niyang hubad ang kanyang ama. Kaya lumabas siya at sinabi ito sa dalawang kapatid niya. Kumuha sina Shem at Jafet ng damit at inilagay sa balikat nila, pagkatapos, lumakad sila nang patalikod papasok sa tolda upang takpan ang kanilang ama. Hindi sila lumingon dahil ayaw nilang makita ang kahubaran ng kanilang ama. Nang mahimasmasan na si Noe sa kanyang kalasingan, at nalaman kung ano ang ginawa ng bunsong anak niya, sinabi niya, “Sumpain ka Canaan! Maghihirap ka at magiging pinakaabang alipin ng iyong mga kapatid.” At sinabi rin niya, “Purihin ang PANGINOON, ang Diyos ni Shem. Nawaʼy maging alipin ni Shem si Canaan. Nawaʼy palawakin ng Diyos ang lupain ni Jafet, at maging mabuti ang pagsasama ng mga lahi niya at ng mga lahi ni Shem. At nawaʼy maging alipin din ni Jafet si Canaan.” Nabuhay pa si Noe nang 350 taon pagkatapos ng baha. Namatay siya sa edad na 950.
Genesis 9:20-29 Ang Biblia (TLAB)
At nagpasimula si Noe na maging mangbubukid, at naglagay ng isang ubasan. At uminom ng alak at nalango; at siya'y nahubaran sa loob ng kaniyang tolda. At si Cham na ama ni Canaan ay nakakita ng kahubaran ng kaniyang ama, at isinaysay sa kaniyang dalawang kapatid na nangasa labas. At kumuha si Sem at si Japhet ng isang balabal, at isinabalikat nilang dalawa, at lumakad ng paurong, at tinakpan ang kahubaran ng kanilang ama; at ang mukha nila ay patalikod, at hindi nila nakita ang kahubaran ng kanilang ama. At nagising si Noe sa kaniyang pagkalango sa alak, at naalaman ang ginawa sa kaniya ng kaniyang bunsong anak. At sinabi, Sumpain si Canaan! Siya'y magiging alipin ng mga alipin sa kaniyang mga kapatid. At sinabi niya, Purihin ang Panginoon, ang Dios ni Sem! At si Canaan ay maging alipin niya. Pakapalin ng Dios si Japhet. At matira siya sa mga tolda ni Sem; At si Canaan ay maging alipin niya. At nabuhay si Noe pagkaraan ng bahang gumunaw, ng tatlong daan at limang pung taon. At ang lahat ng naging araw ni Noe ay siyam na raan at limang pung taon: at namatay.
Genesis 9:20-29 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Si Noe ay isang magsasaka at siya ang kauna-unahang nagbukid ng ubasan. Minsan, uminom siya ng alak at nalasing. Nakatulog siyang hubad na hubad sa loob ng kanyang tolda. Sa gayong ayos, nakita siya ni Ham ang ama ni Canaan at ibinalita ito sa kanyang mga kapatid. Kaya't kumuha sina Shem at Jafet ng balabal, iniladlad sa likuran nila at magkatuwang na lumakad nang patalikod patungo sa tolda. Tinakpan nila ang katawan ng kanilang ama. Ayaw nilang makita ang kahubaran ng kanilang ama. Nang mawala na ang kalasingan ni Noe, at malaman ang ginawa ng bunsong anak, sinabi niya: “O ikaw, Canaan, ngayo'y susumpain, sa mga kapatid mo ika'y paaalipin.” Sinabi rin niya, “Purihin si Yahweh, ang Diyos ni Shem, itong si Canaa'y maglilingkod kay Shem. Palawakin nawa ng Diyos ang lupain ni Jafet. Sa lahi ni Shem, sila'y mapipisan, at paglilingkuran si Jafet nitong si Canaan.” Si Noe ay nabuhay pa nang 350 taon pagkatapos ng baha, kaya't umabot siya sa gulang na 950 taon bago namatay.
Genesis 9:20-29 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)