Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Genesis 5:1-22

Genesis 5:1-22 Ang Salita ng Diyos (ASD)

Ito ang kasaysayan na isinulat tungkol sa pamilya ni Adan. Nang likhain ng Diyos ang tao, ginawa niya silang kawangis niya. Nilikha niya ang lalaki at babae, at binasbasan niya sila at tinawag na “tao.” Nang 130 taóng gulang na si Adan, isinilang ang kanyang anak na kawangis niya. Pinangalanan niya itong Set. Matapos isilang si Set, nabuhay pa si Adan ng walong daang taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. Namatay siya sa edad na 930. Nang 105 taóng gulang na si Set, isinilang ang anak niyang lalaki na si Enos. Matapos isilang si Enos, nabuhay pa si Set ng 807 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. Namatay siya sa edad na 912. Nang siyamnapung taóng gulang na si Enos, isinilang ang anak niyang lalaki na si Kenan. Matapos isilang si Kenan, nabuhay pa si Enos ng 815 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. Namatay siya sa edad na 905. Nang pitumpung taóng gulang na si Kenan, isinilang ang anak niyang lalaki na si Mahalalel. Matapos isilang si Mahalalel, nabuhay pa si Kenan ng 840 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. Namatay siya sa edad na 910. Nang animnapuʼt limang taóng gulang na si Mahalalel, isinilang ang anak niyang lalaki na si Jared. Matapos isilang si Jared, nabuhay pa si Mahalalel ng 830 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. Namatay siya sa edad na 895. Nang 162 taóng gulang na si Jared, isinilang ang anak niyang lalaki na si Enoc. Matapos isilang si Enoc, nabuhay pa si Jared ng 800 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya. Namatay siya sa edad na 962. Nang animnapuʼt limang taóng gulang na si Enoc, isinilang ang anak niyang lalaki na si Metusela. Matapos isilang si Metusela, nabuhay pa si Enoc ng tatlong daang taon na may malapit na relasyon sa Diyos at nadagdagan pa ang kanyang mga anak.

Genesis 5:1-22 Ang Biblia (TLAB)

Ito ang aklat ng mga lahi ni Adam. Nang araw na lalangin ng Dios ang tao, sa wangis ng Dios siya nilalang; Lalake at babae silang nilalang; at sila'y binasbasan, at tinawag na Adam ang kanilang pangalan, nang araw na sila'y lalangin. At nabuhay si Adam ng isang daan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng isang lalaking kaniyang wangis na hawig sa kaniyang larawan; at tinawag ang kaniyang pangalan na Set: At ang mga naging araw ni Adam, pagkatapos na maipanganak si Set, ay walong daang taon: at nagkaanak ng mga lalake at mga babae. At ang lahat na araw na ikinabuhay ni Adam ay siyam na raan at tatlong pung taon; at siya'y namatay. At nabuhay si Set ng isang daan at limang taon at naging anak niya si Enos. At nabuhay si Set pagkatapos na maipanganak si Enos ng walong daan at pitong taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae: At ang lahat na naging araw ni Set ay siyam na raan at labing dalawang taon: at siya'y namatay. At nabuhay si Enos ng siyam na pung taon, at naging anak si Cainan: At nabuhay si Enos, pagkatapos na maipanganak si Cainan, ng walong daan at labing limang taon; at nagkaanak ng mga lalake at mga babae: At ang lahat na naging araw ni Enos ay siyam na raan at limang taon, at siya'y namatay. At nabuhay si Cainan ng pitong pung taon, at naging anak si Mahalaleel: At nabuhay si Cainan, pagkatapos na maipanganak si Mahalaleel, ng walong daan at apat na pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae: At ang lahat na naging araw ni Cainan, siyam na raan at sangpung taon, at namatay. At nabuhay si Mahalaleel ng anim na pu't limang taon, at naging anak si Jared: At nabuhay si Mahalaleel, pagkatapos na maipanganak si Jared, ng walong daan at tatlong pung taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae: At ang lahat na naging araw ni Mahalaleel ay walong daan at siyam na pu't limang taon: at namatay. At nabuhay si Jared ng isang daan at anim na pu't dalawang taon, at naging anak si Enoc: At nabuhay si Jared, pagkatapos na maipanganak si Enoc, ng walong daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae: At ang lahat na naging araw ni Jared ay siyam na raan at anim na pu't dalawang taon: at namatay. At nabuhay si Enoc na anim na pu't limang taon, at naging anak si Matusalem: At lumakad si Enoc na kasama ng Dios, pagkatapos na maipanganak si Matusalem na tatlong daang taon, at nagkaanak ng mga lalake at mga babae

Genesis 5:1-22 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)