Genesis 27:36
Genesis 27:36 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nagsalita si Esau, “Dalawang beses na niya akong dinaya, kaya pala Jacob ang kanyang pangalan! Kinuha na niya ang aking karapatan bilang panganay, at ngayo'y inagaw niya pati ang basbas na ukol sa akin! Wala na ba kayong nalalabing basbas para sa akin?”
Genesis 27:36 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sinabi ni Esau, “Pangalawang beses na ito na niloko niya ako. Kaya pala Jacob ang pangalan niya. Kinuha na niya ang karapatan ko bilang panganay at ngayon, kinuha pa niya ang basbas na para sa akin.” Pagkatapos, nagtanong siya, “Ama, wala na po bang natitirang basbas na para sa akin?”
Genesis 27:36 Ang Biblia (TLAB)
At kaniyang sinabi, Hindi ba matuwid ang pagkatawag sa kaniyang Jacob? sapagka't kaniyang inagawan ako nitong makalawa: kaniyang kinuha ang aking pagkapanganay; at, narito, ngayo'y kinuha ang basbas sa akin. At kaniyang sinabi, Hindi mo ba ako ipinaglaan ng basbas.
Genesis 27:36 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nagsalita si Esau, “Dalawang beses na niya akong dinaya, kaya pala Jacob ang kanyang pangalan! Kinuha na niya ang aking karapatan bilang panganay, at ngayo'y inagaw niya pati ang basbas na ukol sa akin! Wala na ba kayong nalalabing basbas para sa akin?”
Genesis 27:36 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)