Genesis 24:3-4 - Compare All Versions
Genesis 24:3-4 RTPV05 (Magandang Balita Bible (Revised))
Sumumpa ka sa akin sa pangalan ni Yahweh, ang Diyos ng langit at ng lupa, na hindi ka rito sa Canaan pipili ng mapapangasawa ng aking anak na si Isaac. Pumunta ka sa bayan kong tinubuan, at pumili ka sa aking mga kamag-anak doon ng mapapangasawa niya.”
Genesis 24:3-4 ASD (Ang Salita ng Diyos)
at sumumpa ka sa akin sa pangalan ng PANGINOON, ang Diyos ng langit at ng lupa, na hindi ka kukuha ng mapapangasawa ng anak ko sa mga anak ng mga Cananeo, na kasama nating naninirahan dito. Pumunta ka sa lugar na pinanggalingan ko, at doon ka sa mga kamag-anak ko pumili ng babaeng mapapangasawa ng anak kong si Isaac.”
Genesis 24:3-4 TLAB (Ang Biblia)
At ikaw ay aking pasusumpain, alangalang sa Panginoon sa Dios ng langit at Dios ng lupa, na hindi mo papag-aasawahin ang aking anak sa mga anak ng mga Cananeo na siyang aking pinakikitahanan: Kundi ikaw ay paroroon sa aking lupain, at sa aking kamaganakan, at papag-aasawahin mo roon ang aking anak na si Isaac.
Genesis 24:3-4 MBB05 (Magandang Balita Biblia (2005))
Sumumpa ka sa akin sa pangalan ni Yahweh, ang Diyos ng langit at ng lupa, na hindi ka rito sa Canaan pipili ng mapapangasawa ng aking anak na si Isaac. Pumunta ka sa bayan kong tinubuan, at pumili ka sa aking mga kamag-anak doon ng mapapangasawa niya.”
Genesis 24:3-4 ABTAG (Ang Biblia (1905/1982))