Genesis 20:16
Genesis 20:16 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ito naman ang sinabi niya kay Sara: “Binibigyan ko ang iyong kapatid ng sanlibong pirasong pilak, bilang katunayan na ang dangal mo'y hindi nadungisan. Sa gayon, hindi iisipin ninuman na ikaw ay may ginawang masama.”
Genesis 20:16 Ang Salita ng Dios (ASND)
Sinabi rin niya kay Sara, “Bibigyan ko ang kapatid mo ng 1,000 pirasong pilak bilang katibayan sa lahat ng kasamahan ninyo na hindi kita nagalaw at para hindi sila mag-isip na nakagawa ka ng masama.”
Genesis 20:16 Ang Biblia (TLAB)
At kay Sara'y sinabi niya, Narito, nagbigay ako ng isang libong putol na pilak sa iyong kapatid: narito, ito sa iyo'y piring sa mga mata ng lahat ng kasama mo; at sa harap ng lahat ay nagbangong puri ka.