Genesis 13:6
Genesis 13:6-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dahil napakarami na ng kanilang mga hayop, hindi na sapat ang pastulan para sa mga kawan nina Abram at Lot. Kaya't madalas nag-aaway ang mga pastol nila. Nang panahon ding iyon, ang mga Cananeo at Perezeo ay naninirahan pa sa lugar na iyon.
Genesis 13:6 Ang Salita ng Dios (ASND)
At dahil marami na ang mga hayop nila at iba pang mga ari-arian, hindi sila maaaring manirahan sa iisang lugar. Ang pastulan ay hindi magkakasya sa kanila.
Genesis 13:6 Ang Biblia (TLAB)
At sila'y hindi makayanan ng lupain, na sila'y manahan na magkasama: sapagka't napakarami ang kanilang pag-aari, na ano pa't hindi maaring manirahang magkasama.
Genesis 13:6-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)