Genesis 12:2-3
Genesis 12:2-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin ko silang isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging pagpapala sa marami. Ang sa iyo'y magpapala ay aking pagpapalain, at ang sa iyo'y sumumpa ay aking susumpain; sa pamamagitan mo, lahat ng mga bansa sa daigdig ay aking pagpapalain.”
Genesis 12:2-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
“Gagawin kong isang malaking bansa ang lahi mo, at pagpapalain kita. Gagawin kong tanyag ang pangalan mo, at marami ang pagpapalain dahil sa iyo. Pagpapalain ko ang mga magpapala saʼyo. Ngunit isusumpa ko naman ang mga susumpa sa iyo. Sa pamamagitan moʼy pagpapalain ko ang lahat ng tao sa mundo.”
Genesis 12:2-3 Ang Biblia (TLAB)
At gagawin kitang isang malaking bansa, at ikaw ay aking pagpapalain, at padadakilain ko ang iyong pangalan; at ikaw ay maging isang kapalaran: At pagpapalain ko ang mga magpapala sa iyo, at susumpain ko ang mga susumpa sa iyo: at pagpapalain sa iyo ang lahat ng angkan sa lupa.
Genesis 12:2-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pararamihin ko ang iyong mga anak at apo at gagawin ko silang isang malaking bansa. Pagpapalain kita, at gagawin kong dakila ang iyong pangalan at ikaw ay magiging pagpapala sa marami. Ang sa iyo'y magpapala ay aking pagpapalain, at ang sa iyo'y sumumpa ay aking susumpain; sa pamamagitan mo, lahat ng mga bansa sa daigdig ay aking pagpapalain.”
Genesis 12:2-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)