Genesis 1:26-28
Genesis 1:26-28 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.” Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae, at sila'y pinagpala niya. Sinabi niya, “Magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong mga anak ang buong daigdig, at kayo ang mamahala nito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa tubig, sa mga ibon sa himpapawid, at sa lahat ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa.

Genesis 1:26-28 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Pagkatapos, sinabi ng Diyos, “Likhain natin ang tao ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda sa dagat at sa mga ibon sa himpapawid, sa mga hayop na maaamo at maiilap, at sa lahat ng nilalang na gumagapang sa lupa.” Kaya nilikha ng Diyos ang tao, lalaki at babae ayon sa wangis niya. Binasbasan sila ng Diyos at sinabi, “Magkaanak kayo at magpakarami. Punuin ninyo ang daigdig at pamahalaan ninyo ito. Pamunuan ninyo ang mga isda sa dagat, ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawat nilalang na gumagalaw sa lupa.”
Genesis 1:26-28 Ang Biblia (TLAB)
At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa. At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae. At sila'y binasbasan ng Dios, at sa kanila'y sinabi ng Dios, Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong supilin; at magkaroon kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa bawa't hayop na gumagalaw sa ibabaw ng lupa.
Genesis 1:26-28 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.” Nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa kanyang larawan. Sila'y kanyang nilalang na isang lalaki at isang babae, at sila'y pinagpala niya. Sinabi niya, “Magpakarami kayo at punuin ninyo ng inyong mga anak ang buong daigdig, at kayo ang mamahala nito. Binibigyan ko kayo ng kapangyarihan sa mga isda sa tubig, sa mga ibon sa himpapawid, at sa lahat ng mga hayop na nasa ibabaw ng lupa.
Genesis 1:26-28 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)