Genesis 1:17-18
Genesis 1:17-18 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Inilagay niya sa langit ang mga tanglaw na ito upang magbigay ng liwanag sa daigdig, tumanglaw kung araw at gabi, at magbukod sa liwanag at dilim. Nasiyahan ang Diyos nang ito'y kanyang mamasdan.
Genesis 1:17-18 Ang Salita ng Dios (ASND)
Inilagay ng Dios ang mga ito sa kalangitan para magbigay-liwanag sa mundo kung araw at gabi, at para ihiwalay ang liwanag sa dilim. At nasiyahan ang Dios sa nakita niya.
Genesis 1:17-18 Ang Biblia (TLAB)
At mga inilagay ng Dios sa kalawakan ng langit, upang tumanglaw sa ibabaw ng lupa, At upang magpuno sa araw at sa gabi, at upang maghiwalay ng liwanag sa kadiliman: at nakita ng Dios na mabuti.