Genesis 1:1-3
Genesis 1:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa; ang lupa ay walang hugis o anyo. Dilim ang bumabalot sa kalaliman at kumikilos ang Espiritu ng Diyos sa ibabaw ng tubig. Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga.
Genesis 1:1-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Nang pasimula, nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa. Ang lupa noon ay wala pang anyo at wala pang laman. Ang tubig na pumapaibabaw sa lahat ay balot ng kadiliman, at ang Espiritu ng Diyos ay kumikilos sa ibabaw ng tubig. Sinabi ng Diyos, “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga ng liwanag.
Genesis 1:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Nang pasimula ay nilikha ng Dios ang langit at ang lupa. At ang lupa ay walang anyo at walang laman; at ang kadiliman ay sumasa ibabaw ng kalaliman; at ang Espiritu ng Dios ay sumasa ibabaw ng tubig. At sinabi ng Dios Magkaroon ng liwanag; at nagkaroon ng liwanag.
Genesis 1:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Nang pasimula ay nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa; ang lupa ay walang hugis o anyo. Dilim ang bumabalot sa kalaliman at kumikilos ang Espiritu ng Diyos sa ibabaw ng tubig. Sinabi ng Diyos: “Magkaroon ng liwanag!” At nagkaroon nga.
Genesis 1:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)