Mga Taga-Galacia 6:14
Mga Taga-Galacia 6:14 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Huwag nawang mangyari sa akin ang ganon. Ang ipinagmamalaki ko ay ang kamatayan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Sapagkat sa pamamagitan nito, ang mundong ito'y patay na para sa akin, at ako nama'y patay na rin sa mundo.
Mga Taga-Galacia 6:14 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ngunit para sa akin, wala akong ibang ipinagmamalaki maliban sa kamatayan ng ating Panginoong Hesu-Kristo sa krus. At dahil sa kamatayan niya sa krus, wala nang halaga para sa akin ang mga bagay sa mundo, at wala rin akong halaga para sa mundo.
Mga Taga-Galacia 6:14 Ang Biblia (TLAB)
Datapuwa't malayo nawa sa akin ang pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niyao'y ang sanglibutan ay napako sa krus sa ganang akin, at ako'y sa sanglibutan.
Mga Taga-Galacia 6:14 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)