Mga Taga-Galacia 5:1-4
Mga Taga-Galacia 5:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag kayo at huwag nang paalipin pang muli! Akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo, kapag nagpatuli kayo, binabale-wala ninyo si Cristo. Inuulit ko, ang lahat ng taong nagpatuli ay kailangang sumunod sa buong Kautusan. Kayong nagsisikap na maging matuwid sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan, inihiwalay ninyo ang inyong sarili kay Cristo at tinanggihan ninyo ang kagandahang-loob ng Diyos
Mga Taga-Galacia 5:1-4 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Pinalaya tayo ni Kristo sa ilalim ng Kautusan. Kaya manindigan kayo sa pananampalataya ninyo at huwag na kayong magpaaliping muli. Tandaan ninyo ang sinasabi ko: Ako mismong si Pablo ang nagsasabi sa inyo na kung magpapatuli kayo upang maging katanggap-tanggap sa Diyos, mawawalan ng kabuluhan ang ginawa ni Kristo para sa inyo. Inuulit ko na ang sinumang magpapatuli upang maging katanggap-tanggap sa Diyos ay kinakailangang sumunod sa buong Kautusan. Kayong mga nagsisikap na ituring na matuwid ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan ay napalayo na kay Kristo. Nahiwalay na kayo sa biyaya ng Diyos.
Mga Taga-Galacia 5:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Sa kalayaan ay pinalaya tayo ni Cristo: magsitibay nga kayo, at huwag na kayong pasakop na muli sa pamatok ng pagkaalipin. Narito, akong si Pablo ay nagsasabi sa inyo, na, kung inyong tinatanggap ang pagtutuli, ay wala kayong mapapakinabang na anoman kay Cristo. Oo, pinatotohanan kong muli sa bawa't taong tumatanggap ng pagtutuli, na siya'y may kautangang tumupad ng buong kautusan. Kayo'y hiwalay kay Cristo, kayong nangagiibig na ariing-ganap ng kautusan; nangahulog kayo mula sa biyaya.
Mga Taga-Galacia 5:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag kayo at huwag nang paalipin pang muli! Akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo, kapag nagpatuli kayo, binabale-wala ninyo si Cristo. Inuulit ko, ang lahat ng taong nagpatuli ay kailangang sumunod sa buong Kautusan. Kayong nagsisikap na maging matuwid sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan, inihiwalay ninyo ang inyong sarili kay Cristo at tinanggihan ninyo ang kagandahang-loob ng Diyos
Mga Taga-Galacia 5:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)