Mga Taga-Galacia 4:1-3
Mga Taga-Galacia 4:1-3 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ito ang ibig kong sabihin: habang bata pa ang tagapagmana, hindi siya nakakahigit sa isang alipin kahit na siya ang may-ari ng lahat, sapagkat siya'y nasa ilalim pa ng pamamahala ng mga tagapangasiwa hanggang sa panahong itinakda ng kanyang ama. Gayundin naman, noong hindi pa tayo nananalig kay Cristo, tayo'y nasa ilalim ng mga tuntuning umiiral sa sanlibutang ito.
Mga Taga-Galacia 4:1-3 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Ito ang ibig kong sabihin: Habang bata pa ang tagapagmana, wala siyang pinagkaiba sa mga alipin kahit kanya ang lahat ng ari-arian. Itinatagubilin siya sa mga taong nag-aalaga sa kanya at namamahala ng mga ari-arian niya hanggang sa araw na itinakda ng kanyang ama. Ganoon din naman ang kalagayan natin bago dumating si Kristo – inalipin tayo ng mga panuntunan ng mundong ito.
Mga Taga-Galacia 4:1-3 Ang Biblia (TLAB)
Nguni't sinasabi ko na samantalang ang tagapagmana ay bata, ay walang pagkakaibang anoman sa alipin bagama't siya'y panginoon ng lahat; Datapuwa't nasa ilalim ng mga tagapagampon at ng mga tagapangasiwa hanggang sa panahong itinakda ng ama. Gayon din naman tayo, nang tayo'y mga bata pa, tayo'y nasasakop ng pagkaalipin sa ilalim ng mga pasimulang aral ng sanglibutan.
Mga Taga-Galacia 4:1-3 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ito ang ibig kong sabihin: habang bata pa ang tagapagmana, hindi siya nakakahigit sa isang alipin kahit na siya ang may-ari ng lahat, sapagkat siya'y nasa ilalim pa ng pamamahala ng mga tagapangasiwa hanggang sa panahong itinakda ng kanyang ama. Gayundin naman, noong hindi pa tayo nananalig kay Cristo, tayo'y nasa ilalim ng mga tuntuning umiiral sa sanlibutang ito.
Mga Taga-Galacia 4:1-3 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)