Mga Taga-Galacia 3:8-9
Mga Taga-Galacia 3:8-9 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Bago pa ito nangyari ay ipinahayag na ng kasulatan na ipawawalang-sala ng Diyos ang mga Hentil sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa kanya at ang Magandang Balitang ito ay inihayag kay Abraham, “Sa pamamagitan mo'y pagpapalain ng Diyos ang lahat ng bansa.” Sumampalataya sa Diyos si Abraham kaya't siya'y pinagpala, at pagpapalain ding tulad niya ang lahat ng nananalig sa Diyos.
Mga Taga-Galacia 3:8-9 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Noon pa man, sinasabi na sa Kasulatan na ituturing na matuwid ng Diyos ang mga Hentil sa pamamagitan ng pananampalataya nila. At ang Magandang Balitang itoʼy ipinahayag ng Diyos kay Abraham nang sabihin niya, “Pagpapalain ko ang lahat ng bansa sa pamamagitan mo.” Sumampalataya si Abraham sa Diyos at pinagpala siya. Kaya lahat ng sumasampalataya sa Diyos ay pinagpapala rin tulad ni Abraham.
Mga Taga-Galacia 3:8-9 Ang Biblia (TLAB)
At sapagka't ipinakita na ng kasulatan, na aariing-ganap ng Dios ang mga Gentil sa pamamagitan ng pananampalataya, ay ipinangaral na nang una ang evangelio kay Abraham, na sinasabi, Sa iyo ay pagpapalain ang lahat ng mga bansa. Kaya't ang mga sa pananampalataya ay pinagpapala kay Abraham na may pananampalataya.
Mga Taga-Galacia 3:8-9 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Bago pa ito nangyari ay ipinahayag na ng kasulatan na ipawawalang-sala ng Diyos ang mga Hentil sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa kanya at ang Magandang Balitang ito ay inihayag kay Abraham, “Sa pamamagitan mo'y pagpapalain ng Diyos ang lahat ng bansa.” Sumampalataya sa Diyos si Abraham kaya't siya'y pinagpala, at pagpapalain ding tulad niya ang lahat ng nananalig sa Diyos.
Mga Taga-Galacia 3:8-9 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)