Mga Taga-Galacia 3:26-29
Mga Taga-Galacia 3:26-29 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Dahil sa inyong pananalig kay Cristo Jesus, kayong lahat ay anak ng Diyos. Ang buhay mismo ni Cristo ang isinuot sa inyo na parang damit nang kayo'y mabautismuhan sa kanya. Wala nang pagkakaiba ang Judio at ang Griego, ang alipin at ang malaya, ang lalaki at ang babae. Kayong lahat ay iisa na dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. At kung kayo'y kay Cristo, kayo'y lahi ni Abraham at tagapagmana ng mga pangako ng Diyos.

Mga Taga-Galacia 3:26-29 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kayong lahat ay mga anak ng Diyos dahil sa pananampalataya ninyo kay Kristo Hesus, dahil binautismuhan kayo sa pakikipag-isa ninyo kay Kristo at namumuhay kayong katulad niya. Ngayon, wala nang pagkakaiba ang Hudyo sa Hentil, ang alipin sa malaya, ang lalaki sa babae. Kayong lahat ay iisa na dahil kayoʼy nakay Kristo Hesus na. At dahil kayoʼy kay Kristo na, kabilang na kayo sa lahi ni Abraham at mga tagapagmana ng mga ipinangako ng Diyos sa kanya.
Mga Taga-Galacia 3:26-29 Ang Biblia (TLAB)
Sapagka't kayong lahat ay mga anak ng Dios, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Cristo Jesus. Sapagka't ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo. Walang magiging Judio o Griego man, walang magiging alipin o malaya man, walang magiging lalake o babae man; sapagka't kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus. At kung kayo'y kay Cristo, kayo nga'y binhi ni Abraham, at mga tagapagmana ayon sa pangako.
Mga Taga-Galacia 3:26-29 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Dahil sa inyong pananalig kay Cristo Jesus, kayong lahat ay anak ng Diyos. Ang buhay mismo ni Cristo ang isinuot sa inyo na parang damit nang kayo'y mabautismuhan sa kanya. Wala nang pagkakaiba ang Judio at ang Griego, ang alipin at ang malaya, ang lalaki at ang babae. Kayong lahat ay iisa na dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. At kung kayo'y kay Cristo, kayo'y lahi ni Abraham at tagapagmana ng mga pangako ng Diyos.
Mga Taga-Galacia 3:26-29 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)