Mga Taga-Galacia 3:19-25
Mga Taga-Galacia 3:19-25 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Kung ganoon, bakit pa ibinigay ang Kautusan? Ibinigay ito upang maipakita kung ano ang paglabag. Bago dumating ang anak na pinangakuan, ibinigay ang Kautusang ito sa pamamagitan ng mga anghel, sa tulong ng isang tagapamagitan. Ngunit hindi kailangan ang tagapamagitan kung iisang panig lamang ang gumagawa ng kasunduan—at ang Diyos ay iisa. Ang ibig bang sabihin nito'y sumasalungat ang Kautusan sa mga pangako ng Diyos? Hinding-hindi! Kung nakapagbibigay-buhay sana ang Kautusan, ang tao'y magiging matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod niya rito. Ngunit ayon sa kasulatan, ang lahat ng tao'y alipin ng kasalanan, kaya't ang ipinangako ng Diyos ay matatanggap sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo na ibibigay sa lahat ng sumampalataya. Bago dumating ang panahon ng pananampalataya, tayo'y ikinulong ng Kautusan hanggang sa ang pananampalatayang ito kay Cristo ay mahayag. Kaya't ang Kautusan ang naging tagapangalaga natin hanggang sa dumating si Cristo upang tayo'y mabilang na matuwid sa pamamagitan ng pananalig sa kanya. Ngayong sumasampalataya na tayo kay Cristo, wala na tayo sa pangangalaga ng Kautusan.
Mga Taga-Galacia 3:19-25 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Kung ganoon, ano ba ang silbi ng Kautusan? Ibinigay ito upang malaman ng tao na nagkakasala sila. Ngunit itoʼy hanggang sa dumating lamang ang ipinangakong apo ni Abraham. Ibinigay ng Diyos ang Kautusan sa pamamagitan ng mga anghel, at sila ang nagbigay nito sa mga tao sa tulong ng isang tagapamagitan. Ngunit ang pangako ay hindi tulad nito. Dahil nang ibigay ito ng Diyos kay Abraham, hindi siya gumamit ng tagapamagitan o mga anghel kundi siya mismo. Kung ganoon, taliwas ba ang Kautusan sa mga pangako ng Diyos? Hindi! Sapagkat kung ang Kautusan ay makapagbibigay-buhay, ito na sana ang naging paraan ng Diyos upang ituring tayong matuwid. Ngunit sinasabi sa Kasulatan na ang buong mundo ay alipin ng kasalanan. Kaya ang mga sumasampalataya lamang kay Hesu-Kristo ang makakatanggap ng mga ipinangako ng Diyos. Noong hindi pa dumarating itong tinatawag na pananampalataya kay Kristo, para tayong mga bilanggo. Ikinulong tayo ng Kautusan hanggang sa araw na inihayag ang kaligtasan natin sa pamamagitan ng pananampalataya. Ang Kautusan ay naging tagapag-alaga natin hanggang sa dumating si Kristo, upang sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya ay maituring tayong matuwid. At ngayong may pananampalataya na, wala na tayo sa patnubay ng Kautusan na tagapag-alaga.
Mga Taga-Galacia 3:19-25 Ang Biblia (TLAB)
Ano nga ang kabuluhan ng kautusan? Idinagdag dahil sa mga pagsalangsang, hanggang sa pumarito ang binhi na siyang pinangakuan; at ito'y iniutos sa pamamagitan ng mga anghel sa kamay ng isang tagapamagitan. Ngayon ang isang tagapamagitan ay hindi tagapamagitan ng iisa; datapuwa't ang Dios ay iisa. Ang kautusan nga baga ay laban sa mga pangako ng Dios? Huwag nawang mangyari: sapagka't kung ibinigay sana ang isang kautusang may kapangyarihang magbigay buhay, tunay ngang ang katuwiran sana ay naging dahil sa kautusan. Datapuwa't kinulong ng kasulatan ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kasalanan, upang ang pangako sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo ay maibigay sa mga nagsisisampalataya. Nguni't bago dumating ang pananampalataya, ay nabibilanggo tayo sa ilalim ng kautusan, na nakukulong tayo hanggang sa ang pananampalataya ay ipahahayag pagkatapos. Ano pa't ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay Cristo, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya. Datapuwa't ngayong dumating na ang pananampalataya, ay wala na tayo sa ilalim ng tagapagturo.
Mga Taga-Galacia 3:19-25 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Kung ganoon, bakit pa ibinigay ang Kautusan? Ibinigay ito upang maipakita kung ano ang paglabag. Bago dumating ang anak na pinangakuan, ibinigay ang Kautusang ito sa pamamagitan ng mga anghel, sa tulong ng isang tagapamagitan. Ngunit hindi kailangan ang tagapamagitan kung iisang panig lamang ang gumagawa ng kasunduan—at ang Diyos ay iisa. Ang ibig bang sabihin nito'y sumasalungat ang Kautusan sa mga pangako ng Diyos? Hinding-hindi! Kung nakapagbibigay-buhay sana ang Kautusan, ang tao'y magiging matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod niya rito. Ngunit ayon sa kasulatan, ang lahat ng tao'y alipin ng kasalanan, kaya't ang ipinangako ng Diyos ay matatanggap sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo na ibibigay sa lahat ng sumampalataya. Bago dumating ang panahon ng pananampalataya, tayo'y ikinulong ng Kautusan hanggang sa ang pananampalatayang ito kay Cristo ay mahayag. Kaya't ang Kautusan ang naging tagapangalaga natin hanggang sa dumating si Cristo upang tayo'y mabilang na matuwid sa pamamagitan ng pananalig sa kanya. Ngayong sumasampalataya na tayo kay Cristo, wala na tayo sa pangangalaga ng Kautusan.
Mga Taga-Galacia 3:19-25 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)