Mga Taga-Galacia 1:1-24
Mga Taga-Galacia 1:1-24 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Mula kay Pablo na hinirang na apostol, hindi ng tao o sa pamamagitan ng tao, kundi ni Jesu-Cristo at ng Diyos Ama na muling bumuhay kay Jesus. Ang lahat ng kapatid na naririto ay kasama kong bumabati sa mga iglesya sa Galacia: Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos Ama at sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Inialay ni Jesu-Cristo ang kanyang sarili dahil sa ating kasalanan ayon sa kalooban ng ating Diyos Ama upang mahango tayo sa kasamaang naghahari ngayon sa sanlibutang ito. Purihin ang Diyos magpakailanman! Amen. Nagtataka ako kung bakit kay dali ninyong tumalikod sa Diyos na tumawag sa inyo sa pamamagitan ng kagandahang-loob ni Cristo at kayo'y bumaling agad sa ibang magandang balita. Ang totoo'y wala namang ibang magandang balita; kaya nga lamang, may mga nanggugulo sa inyo at nagsisikap na baguhin ang Magandang Balita ni Cristo. Subalit parusahan nawa ng Diyos ang sinuman, maging kami o isang anghel man na mula sa langit, na mangaral sa inyo ng Magandang Balita na iba sa ipinangaral na namin sa inyo. Sinabi na namin ito sa inyo, at inuulit ko ngayon, parusahan nawa ng Diyos ang sinumang mangaral sa inyo ng Magandang Balita na naiiba kaysa tinanggap na ninyo. Bakit ko sinasabi ito, dahil ba sa nais kong mapuri ng tao? Hindi! Ang papuri lamang ng Diyos ang tangi kong hinahangad. Sinisikap ko bang magbigay-lugod sa tao? Hindi! Kung iyan ang talagang hangad ko, hindi na sana ako naging alipin ni Cristo. Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ang Magandang Balitang ipinangaral ko'y hindi katha ng tao. Hindi ko ito tinanggap mula sa tao, at hindi rin itinuro sa akin ng sinumang tao. Si Jesu-Cristo mismo ang naghayag nito sa akin. Hindi kaila sa inyo kung paano ako namuhay noon bilang masugid na kaanib ng relihiyon ng mga Judio. Walang awa kong inusig ang iglesya ng Diyos at sinikap na ito'y wasakin. Sa relihiyong iyon, ako'y naging masugid nang higit sa maraming Judiong kasing-edad ko, dahil ako'y panatiko sa kaugalian ng aming mga ninuno. Ngunit sa kagandahang-loob ng Diyos, minabuti niyang ako'y piliin bago pa ako ipanganak, at tinawag niya ako upang maging isang lingkod niya. At nang ihayag sa akin ang kanyang Anak, upang maipangaral ko siya sa mga Hentil, hindi ako humingi ng payo kaninuman. Ni hindi rin ako nagpunta sa Jerusalem upang makipagkita sa mga apostol na nauna sa akin; sa halip, nagpunta ako sa Arabia, at pagkatapos ay bumalik ako sa Damasco. Pagkaraan ng tatlong taon, pumunta ako sa Jerusalem upang makipag-usap kay Pedro, at labinlimang araw kaming nagkasama. Wala akong nakitang iba pang apostol maliban kay Santiago na kapatid ng Panginoon. Totoong lahat ang isinusulat ko sa inyo. Alam ng Diyos na hindi ako nagsisinungaling. Pagkatapos, pumunta ako sa ilang lugar sa Siria at sa Cilicia. Hindi pa ako kilala noon ng mga Cristiano sa Judea. Nakarating lamang sa kanila ang ganitong balita, “Ang dating umuusig sa atin ay nangangaral na ngayon ng pananampalatayang dati'y sinikap niyang wasakin.” Kaya't nagpuri sila sa Diyos dahil sa akin.
Mga Taga-Galacia 1:1-24 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Mula kay Pablo, hinirang na apostol, hindi ng tao o sa pamamagitan ng tao, kundi sa pamamagitan ni Hesu-Kristo at ng Diyos Ama na muling bumuhay sa kanya mula sa kamatayan, at mula sa lahat ng mga kapatid na kasama ko rito, Sa mga iglesya diyan sa Galacia: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa Diyos Ama at sa ating Panginoong Hesu-Kristo. Inialay ni Kristo ang sarili niya para sa mga kasalanan natin, ayon sa kalooban ng ating Diyos at Ama. Ginawa niya ito upang iligtas tayo sa kasamaan nitong kasalukuyang mundo. Purihin natin ang Diyos magpakailanman! Amen. Nagtaka ako dahil napakadali ninyong tumalikod sa Diyos na tumawag sa inyo sa pamamagitan ng biyaya ni Kristo. Bumaling kayo sa ibang katuruan na ayon sa ibaʼy magandang balita. Ang totoo, walang ibang Magandang balita. Nasabi ko ito dahil may mga taong nanggugulo sa inyo, at gusto nilang baluktutin ang Magandang Balita tungkol kay Kristo. Sumpain nawa ng Diyos ang sinuman – kami man ito o kahit isang anghel galing sa langit – na mangangaral sa inyo ng magandang balita na iba kaysa sa ipinangaral namin sa inyo. Sinabi na namin sa inyo noon at muli kong sasabihin: Kung may mangangaral sa inyo ng magandang balita na iba kaysa sa tinanggap ninyo, sumpain siya ng Diyos! Sa tingin ba ninyoʼy papuri ng tao ang hinahanap ko? Hindi! Ang nais ko lang ay malugod sa akin ang Diyos. Kung papuri lang ng tao ang hinahanap ko, hindi ako tunay na lingkod ni Kristo. Gusto kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang Magandang Balitang ipinangaral ko sa inyo ay hindi lang gawa-gawa ng tao, dahil hindi ko ito tinanggap o natutunan mula sa tao, kundi ipinahayag mismo ito sa akin ni Hesu-Kristo. Alam naman ninyo ang dati kong pamumuhay noong kasapi ako sa relihiyon ng mga Hudyo. Inusig ko nang lubos ang iglesya ng Diyos at sinikap ko itong lipulin. At tungkol naman sa pagsunod sa relihiyon ng mga Hudyo, nahigitan ko ang marami sa mga kaedad ko, dahil masigasig kong sinunod ang mga tradisyong nanggaling pa sa mga ninuno namin. Ngunit sa biyaya ng Diyos, bago pa man ako ipanganak, pinili na niya ako at tinawag para ihayag sa akin ang kanyang Anak upang maipangaral siya sa mga Hentil. Nang mangyari ito, hindi ako sumangguni kaninuman. Hindi rin ako pumunta sa Jerusalem upang makipagkita sa mga naunang naging apostol kaysa sa akin. Sa halip, pumunta ako sa Arabia at pagkatapos ay bumalik ako sa Damasco. Pagkatapos ng tatlong taon, pumunta ako sa Jerusalem para makipagkita kay Pedro. Dalawang linggo lang akong nakitira sa kanya. Wala na akong nakita pang ibang apostol maliban kay Santiago na kapatid ng Panginoon. Totoo ang lahat ng sinasabi ko sa sulat na ito, at alam ng Diyos na hindi ako nagsisinungaling. Pagkatapos, pumunta na ako sa Siria at Cilicia. Nang panahong iyon, hindi pa ako personal na nakikita ng mga mananampalataya sa Judea na nakay Kristo. Naririnig lang nila ang ganitong balita tungkol sa akin: “Ang dating umuusig sa atin ay nangangaral na ngayon ng tungkol sa pananampalatayang sinikap niyang wasakin noon.” Kaya pinapurihan nila ang Diyos dahil sa ginawa niya sa akin.
Mga Taga-Galacia 1:1-24 Ang Biblia (TLAB)
Si Pablo, na Apostol (hindi mula sa mga tao, ni sa pamamagitan man ng tao, kundi sa pamamagitan ni Jesucristo, at ng Dios Ama, na siyang sa kaniya'y muling bumuhay;) At ang lahat ng mga kapatid na mga kasama ko, sa mga iglesia ng Galacia: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na Ama, at sa ating Panginoong Jesucristo, Na siyang nagbigay sa kaniyang sarili dahil sa ating mga kasalanan, upang tayo'y mailigtas dito sa kasalukuyang masamang sanglibutan, ayon sa kalooban ng ating Dios at Ama: Na sumakaniya ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. Ako'y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo; Na ito'y hindi ibang evangelio: kundi mayroong ilan na sa inyo'y nagsisiligalig, at nangagiibig na pasamain ang evangelio ni Cristo. Datapuwa't kahima't kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil. Ayon sa aming sinabi nang una, ay muling gayon ang aking sinasabi ngayon, Kung ang sinoman ay mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba kay sa inyong tinanggap na, ay matakuwil. Sapagka't ako baga'y nanghihikayat ngayon sa mga tao o sa Dios? o ako baga'y nagsisikap na magbigay-lugod sa mga tao? kung ako'y magbibigay-lugod pa sa mga tao, ay hindi ako magiging alipin ni Cristo. Sapagka't aking ipinatatalastas sa inyo, mga kapatid, tungkol sa evangelio na aking ipinangaral, na ito'y hindi ayon sa tao. Sapagka't hindi ko tinanggap ito sa tao, ni itinuro man sa akin, kundi aking tinanggap sa pamamagitan ng pahayag ni Jesucristo. Sapagka't inyong nabalitaan ang aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga Judio, kung paanong aking inuusig na malabis, at nilipol ang iglesia ng Dios: At ako'y nangunguna sa relihion ng mga Judio ng higit kay sa marami sa aking mga kasing gulang sa aking mga kababayan, palibhasa'y totoong masikap ako sa mga sali't-saling sabi ng aking mga magulang. Nguni't nang magalingin ng Dios na siyang sa akin ay nagbukod, buhat pa sa tiyan ng aking ina, at ako'y tawagin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya, Na ihayag ang kaniyang Anak sa akin, upang siya'y aking ipangaral sa gitna ng mga Gentil; pagkaraka'y hindi ako sumangguni sa laman at sa dugo: Ni inahon ko man sa Jerusalem silang mga apostol na nangauna sa akin: kundi sa Arabia ako naparoon; at muling nagbalik ako sa Damasco. Nang makaraan nga ang tatlong taon ay umahon ako sa Jerusalem upang dalawin si Cefas, at natira akong kasama niyang labing-limang araw. Nguni't wala akong nakita sa mga ibang apostol, maliban na kay Santiago na kapatid ng Panginoon. Tungkol nga sa mga bagay na isinusulat ko sa inyo, narito, sa harapan ng Dios, hindi ako nagsisinungaling. Pagkatapos ay naparoon ako sa mga lupain ng Siria at Cilicia. At hindi pa ako nakikilala sa mukha ng mga iglesia ng Judea na pawang kay Cristo. Kundi ang kanila lamang naririnig na pinaguusapan ay, Yaong umuusig sa atin nang una, ngayo'y nangangaral ng pananampalataya na nang ibang panahon ay kaniyang sinisira; At kanilang niluluwalhati ang Dios sa akin.
Mga Taga-Galacia 1:1-24 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Mula kay Pablo na hinirang na apostol, hindi ng tao o sa pamamagitan ng tao, kundi ni Jesu-Cristo at ng Diyos Ama na muling bumuhay kay Jesus. Ang lahat ng kapatid na naririto ay kasama kong bumabati sa mga iglesya sa Galacia: Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos Ama at sa ating Panginoong Jesu-Cristo. Inialay ni Jesu-Cristo ang kanyang sarili dahil sa ating kasalanan ayon sa kalooban ng ating Diyos Ama upang mahango tayo sa kasamaang naghahari ngayon sa sanlibutang ito. Purihin ang Diyos magpakailanman! Amen. Nagtataka ako kung bakit kay dali ninyong tumalikod sa Diyos na tumawag sa inyo sa pamamagitan ng kagandahang-loob ni Cristo at kayo'y bumaling agad sa ibang magandang balita. Ang totoo'y wala namang ibang magandang balita; kaya nga lamang, may mga nanggugulo sa inyo at nagsisikap na baguhin ang Magandang Balita ni Cristo. Subalit parusahan nawa ng Diyos ang sinuman, maging kami o isang anghel man na mula sa langit, na mangaral sa inyo ng Magandang Balita na iba sa ipinangaral na namin sa inyo. Sinabi na namin ito sa inyo, at inuulit ko ngayon, parusahan nawa ng Diyos ang sinumang mangaral sa inyo ng Magandang Balita na naiiba kaysa tinanggap na ninyo. Bakit ko sinasabi ito, dahil ba sa nais kong mapuri ng tao? Hindi! Ang papuri lamang ng Diyos ang tangi kong hinahangad. Sinisikap ko bang magbigay-lugod sa tao? Hindi! Kung iyan ang talagang hangad ko, hindi na sana ako naging alipin ni Cristo. Mga kapatid, nais kong malaman ninyo na ang Magandang Balitang ipinangaral ko'y hindi katha ng tao. Hindi ko ito tinanggap mula sa tao, at hindi rin itinuro sa akin ng sinumang tao. Si Jesu-Cristo mismo ang naghayag nito sa akin. Hindi kaila sa inyo kung paano ako namuhay noon bilang masugid na kaanib ng relihiyon ng mga Judio. Walang awa kong inusig ang iglesya ng Diyos at sinikap na ito'y wasakin. Sa relihiyong iyon, ako'y naging masugid nang higit sa maraming Judiong kasing-edad ko, dahil ako'y panatiko sa kaugalian ng aming mga ninuno. Ngunit sa kagandahang-loob ng Diyos, minabuti niyang ako'y piliin bago pa ako ipanganak, at tinawag niya ako upang maging isang lingkod niya. At nang ihayag sa akin ang kanyang Anak, upang maipangaral ko siya sa mga Hentil, hindi ako humingi ng payo kaninuman. Ni hindi rin ako nagpunta sa Jerusalem upang makipagkita sa mga apostol na nauna sa akin; sa halip, nagpunta ako sa Arabia, at pagkatapos ay bumalik ako sa Damasco. Pagkaraan ng tatlong taon, pumunta ako sa Jerusalem upang makipag-usap kay Pedro, at labinlimang araw kaming nagkasama. Wala akong nakitang iba pang apostol maliban kay Santiago na kapatid ng Panginoon. Totoong lahat ang isinusulat ko sa inyo. Alam ng Diyos na hindi ako nagsisinungaling. Pagkatapos, pumunta ako sa ilang lugar sa Siria at sa Cilicia. Hindi pa ako kilala noon ng mga Cristiano sa Judea. Nakarating lamang sa kanila ang ganitong balita, “Ang dating umuusig sa atin ay nangangaral na ngayon ng pananampalatayang dati'y sinikap niyang wasakin.” Kaya't nagpuri sila sa Diyos dahil sa akin.
Mga Taga-Galacia 1:1-24 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Si Pablo, na Apostol (hindi mula sa mga tao, ni sa pamamagitan man ng tao, kundi sa pamamagitan ni Jesucristo, at ng Dios Ama, na siyang sa kaniya'y muling bumuhay), At ang lahat ng mga kapatid na mga kasama ko, sa mga iglesia ng Galacia: Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na Ama, at sa ating Panginoong Jesucristo, Na siyang nagbigay sa kaniyang sarili dahil sa ating mga kasalanan, upang tayo'y mailigtas dito sa kasalukuyang masamang sanglibutan, ayon sa kalooban ng ating Dios at Ama: Na sumakaniya ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa. Ako'y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo; Na ito'y hindi ibang evangelio: kundi mayroong ilan na sa inyo'y nagsisiligalig, at nangagiibig na pasamain ang evangelio ni Cristo. Datapuwa't kahima't kami, o isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil. Ayon sa aming sinabi nang una, ay muling gayon ang aking sinasabi ngayon, Kung ang sinoman ay mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba kay sa inyong tinanggap na, ay matakuwil. Sapagka't ako baga'y nanghihikayat ngayon sa mga tao o sa Dios? o ako baga'y nagsisikap na magbigay-lugod sa mga tao? kung ako'y magbibigay-lugod pa sa mga tao, ay hindi ako magiging alipin ni Cristo. Sapagka't aking ipinatatalastas sa inyo, mga kapatid, tungkol sa evangelio na aking ipinangaral, na ito'y hindi ayon sa tao. Sapagka't hindi ko tinanggap ito sa tao, ni itinuro man sa akin, kundi aking tinanggap sa pamamagitan ng pahayag ni Jesucristo. Sapagka't inyong nabalitaan ang aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga Judio, kung paanong aking inuusig na malabis, at nilipol ang iglesia ng Dios: At ako'y nangunguna sa relihion ng mga Judio ng higit kay sa marami sa aking mga kasing gulang sa aking mga kababayan, palibhasa'y totoong masikap ako sa mga sali't-saling sabi ng aking mga magulang. Nguni't nang magalingin ng Dios na siyang sa akin ay nagbukod, buhat pa sa tiyan ng aking ina, at ako'y tawagin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya, Na ihayag ang kaniyang Anak sa akin, upang siya'y aking ipangaral sa gitna ng mga Gentil; pagkaraka'y hindi ako sumangguni sa laman at sa dugo: Ni inahon ko man sa Jerusalem silang mga apostol na nangauna sa akin: kundi sa Arabia ako naparoon; at muling nagbalik ako sa Damasco. Nang makaraan nga ang tatlong taon ay umahon ako sa Jerusalem upang dalawin si Cefas, at natira akong kasama niyang labing-limang araw. Nguni't wala akong nakita sa mga ibang apostol, maliban na kay Santiago na kapatid ng Panginoon. Tungkol nga sa mga bagay na isinusulat ko sa inyo, narito, sa harapan ng Dios, hindi ako nagsisinungaling. Pagkatapos ay naparoon ako sa mga lupain ng Siria at Cilicia. At hindi pa ako nakikilala sa mukha ng mga iglesia ng Judea na pawang kay Cristo. Kundi ang kanila lamang naririnig na pinaguusapan ay, Yaong umuusig sa atin nang una, ngayo'y nangangaral ng pananampalataya na nang ibang panahon ay kaniyang sinisira; At kanilang niluluwalhati ang Dios sa akin.