Ezra 6:22
Ezra 6:22 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa loob ng pitong araw ay masaya nilang ipinagdiwang ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Tumulong sa kanila ang hari sa pagpapatayo ng Templo ng Diyos ng Israel. Punung-puno sila ng kagalakan dahil niloob ni Yahweh na magmalasakit sa kanila ang hari ng Asiria.
Ezra 6:22 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Sa loob ng pitong araw ipinagdiwang nila nang may kagalakan ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Sapagkat binigyan sila ng PANGINOON ng kagalakan nang binago niya ang puso ng hari ng Asiria upang tulungan sila sa paggawa ng bahay ng Diyos, ang Diyos ng Israel.
Ezra 6:22 Ang Biblia (TLAB)
At nangagdiwang ng kapistahan ng tinapay na walang lebadura na pitong araw na may kagalakan: sapagka't pinapagkatuwa sila ng Panginoon at nanumbalik ang puso ng hari sa Asiria sa kanila, upang palakasin ang kanilang mga kamay sa gawain sa bahay ng Dios, ng Dios ng Israel.
Ezra 6:22 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa loob ng pitong araw ay masaya nilang ipinagdiwang ang Pista ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Tumulong sa kanila ang hari sa pagpapatayo ng Templo ng Diyos ng Israel. Punung-puno sila ng kagalakan dahil niloob ni Yahweh na magmalasakit sa kanila ang hari ng Asiria.
Ezra 6:22 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)