Ezekiel 44:1-2
Ezekiel 44:1-2 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Lumabas kami sa pinto ng templo, sa pinto sa gawing silangan. Pagkalabas namin, sumara ito nang kusa. Sinabi sa akin ni Yahweh, “Mananatiling nakasara ang pintong ito. Walang dadaan dito sapagkat ito'y dinaanan ni Yahweh.
Ezekiel 44:1-2 Ang Salita ng Diyos (ASD)
Muli akong dinala ng tao sa pintuang palabas ng Templo sa gawing silangan, pero nakasarado ito. Sinabi ng PANGINOON sa akin, “Ang pintuang ito ay kinakailangang palaging nakasara at hindi dapat buksan upang walang makadaan, dahil ako, ang PANGINOONG Diyos ng Israel ay dumaan dito.
Ezekiel 44:1-2 Ang Biblia (TLAB)
Nang magkagayo'y ibinalik niya ako sa daan ng pintuan sa labas ng santuario, na nakaharap sa dakong silanganan; at ito'y nasara. At sinabi ng Panginoon sa akin, Ang pintuang-daang ito ay sasarhan, hindi bubuksan, o papasukan man ng sinoman, sapagka't pinasukan ng Panginoon, ng Dios ng Israel; kaya't ito'y masasara.
Ezekiel 44:1-2 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Lumabas kami sa pinto ng templo, sa pinto sa gawing silangan. Pagkalabas namin, sumara ito nang kusa. Sinabi sa akin ni Yahweh, “Mananatiling nakasara ang pintong ito. Walang dadaan dito sapagkat ito'y dinaanan ni Yahweh.
Ezekiel 44:1-2 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)